Hematolohiya

Heneral at iba | Hematolohiya (Medicine Field)


Paglalarawan

Ang Hematolohiya ay pang-agham na pag-aaral sa dugo at mga dugong-bumubuo sa mga tisyu. Ito ay isang sangay ng patolohiya, biyolohiya, pisyolohikal, panloob na medisina, klinikal na trabaho sa laboratoryo, at pediyatriko na nababahala sa pag-aaral ng dugo, dugong-bumubuo ng organo, at mga sakit sa dugo. Ito ay pagsusuri, paggamot, at pag-iwas sa iba’t ibang sakit sa dugo at utak ng buto pati na rin ang immunologic, hemostatic (pagbara ng dugo) at sistemang baskular. Dahil sa likas na katanigan ng dugo, malalim na nakakaapekto sa pag-unawa ng maraming mga sakit ang agham ng hematolohiya. Ang Hematolohiya ay kinabibilangan ng pag-aaral sa etiyolohiya, pagsusuri, paggamo, prognosis, at pag-iwas sa mga sakit sa dugo.

Espesyalisasyon

Ang ilang mga pang laboratoryong gawain ay pumapasok sa pag-aaral ng dugo na kadalasang gumaganap kasama ang medikal na teknologo. Karaniwang mas nag-aaral sa oncology – isang medikal na paggamot sa kanser, ang mga doktor sa hematolohiya.

Kilala bilang mga hematologo ang mga doktor na dalubhasa sa hematolohiya. Ang kanilang regular at pangunahing trabaho ay ang pangangalaga at paggamot sa mga pasyenteng may mga sakit na hematolohikal. Ang ilan sa kanila ay maaaring magtrabaho sa laboratoryo ng hematolohiya para pag-aralan ang pilm ng dugo at mga slide ng utak ng buto sa ilalim ng mikroskopyo, pagbibigay-kahulugan sa mga resulta ng hematolohikal na pagsusuri. Sa ilang mga institusyo, namamahala din ang mga hematologo sa ilang hematolohiyang laboratoryo.

Karaniwang namamahala sa mga ito ay ang mga doktor na kadalasang nagtatrabaho sa hematolohiyang laboratoryo, sila rin ay mga patologo na may espesyalidad sa pagiiksamen ng hematolohikal na sakit, na kilala rin bilang hematopatologo. Magkasabay magtrabaho ang mga hematologo at hematopatologo upang magpanukala ng pagsusuri at maghatid ng karapat-dapat na terapi kung kinakailangan. Tangi sa riyan, ang isang natatanging subspesyalidad ng panloob na medisina, na hiwalay ngunit magkakasanib kasama ang subpesyalidad ng medikal na oncology ay tinatawag na hematolohiya. ...



You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».