Patolohiya
Heneral at iba | Patolohiya (Medicine Field)
Paglalarawan
Isang eksaktong pag-aaral at pagsusuri ng sakit ang Patolohiya. Magkasingkahulugan sa mga sakit ang Pathologies. Ang hulaping – path – ay ginagamit upang ipahiwatig ang sakit, halimbawa Psychopath. Ito ay nagdidiskurso sa apat (4) na bahagi ng sakit: sanhi/aetiyolohiya, mekanismo ng pagbuo (pathogensis) istrukturang pagbabago ng selula (morphologic na pagbabago), at ang bunga ng pagbabago (klinikal na paghahayag). Mas hinati din ito sa maraming dibisyon, batay sa mga sistema ng pinag-aaralan (halimbawa, Beterinaryong patolohiya at sakit sa hayop) o pag-pokus sa pagsusuri (halimbawa, Forensic na patolohiya at pagtukoy sa dahilan ng pagkamatay.
Isang malawak at komplikadong pang-agham na naghahanap upang maunawaan ang mekanismo ng pinsala sa selula at tisyu, pati ang paraan ng pagtugon ng katawan at pag-galing sa pinsala ang pangkalahatang Patolohiya. Ang bahagi ng pag-aaral na kasama ang selulang pag-angkop sa pinsala, necrosis, pamamaga, pag-galing ng sugat, at neoplasia. Bumubuo ito ng pundasyon ng patolohiya, ang paglalapat ng kaalaman para masuri ang sakit sa tao at hayop. Ginagamit para ilarawan ang praktis ng anatomikal at klinikal na patolohiya ang terminong pangkalahatang patolohiya.
Espesyalisasyon
Sa kasalukuyan, nakakatuklas ang mga patologo ng bagong mga sakit, pagsusuri sa mga kakaibang sakit na pumapasok sa bansa, at ang paggawa ng solusyon para gamutin ang sakit tulad ng AIDS, HIV, Herpes, Kanser, at iba pa. Kaya naging katibayan sa tunay na halaga ng agham ang ebolusyon ng patolohiya, na kung saan namamalagi ang kakayahan nito upang patuloy na magsaliksik at bumuo ng bagong pamamaraan habang nagbibigay ng mag kapurihan sa mga orihinal na nakabuo ng ideya. ...