Otorhinolaryngology


Tainga ilong | Otorhinolaryngology (Medicine Field)


Paglalarawan

Ang Otorhinolaryngology na kilala bilang otolaryngology, ay ang medikal at kirurhikong espesyalidad sa pagsusuri at paggamot sa mga sakit sa tainga, ilong, lalamunan (ENT) at katabing istraktura ng ulo at leeg, kabilang ang sinuses, gulunggulungan, guwang ng bibig, at itaas na lalagukan na kabilang ang bibig at lalamunan.

Espesyalisasyon

Otolaryngologist o nag-oopera sa ulo at leeg ang tawag sa mga dalubhasa. Sila ay mga espesyalistang sinanay sa otolaryngology, eksperto sa mga kirurhikong kondisyon ng ulo at leg. Gumagamit ng otoscope ang Otolaryngologist upang inspeksyunin ang salamin ng tainga at laryngoscope para maiksamen ang gulunggulungan. Sinusuri rin nila ang pandinig at nagrereseta ng pantulong sa pandinig. Ang pampa-operang mikroskopyo at nababaluktot na endoscope ay nagpapahintulot sa kanila upang ma-operahan ang mga maselang panloob na istraktura.

Ang Subspesyalidad na bahagi ng otolaryngology ay kasama ang pediyatrikong otolaryngology, otolohiya/neurotolohiya, alerhiya, plastik sa mukha at operasyon sa pag-aayos, leeg at ulo, larnygology, at rhinology. Nililimitahan ng ibang otolaryngologist ang kanilang praktis sa isa o higit pa sa pitong bahagi nito.

Mga Sintomas at Sakit

Ang pagkawala ng pandinig, impeksyon sa tainga, sakit sa balanse, ingay sa tainga (tinnitus), at ibang sakit sa ugat ng cranial ay ilang mga kondisyon sa tainga.

Maaring mangyari ang problema sa ilang bahagi ng ilong ang: mga alerhiya, kaguluhan sa amoy, polyps, at obstruksyon sa ilong dahil sa humiwalay na septum. Maaaring itama ng otolaryngologist ang hitsura ng ilong at ang pamamaraang ito ay kilala bilang rhinoplasty na operasyon.

Isang mahalagang lugar na may kasamang komunikasyon at pagkain ang ating mga lalamunan. Ang mga problema ukol dito na pinapamahalaan ng otolaryngologist ay ang boses at sakit sa paglunok.

Sa mga bahaging ulo at leeg, ginagamot ng otolaryngologist ang impeksyon, benign (hindi-kanserous) at malignant (kanserous) na buko, trauma sa mukha, at depekto sa mukha. Nagsasagawa din sila ng kosmetikong plastik at operasyon na pag-aayos.

Pagsusuri, Paggamot at Mga Benepisyo

Ang pinakamahusay na ENT na paggamot ay Nag-iiba ayon sa kung ano ang problema o sintomas. Sa maagang yugto ng sakit, hindi ginagarantiya ang pamamaraang operasyon, halimbawa, tulad ng tonsillitis. Ang maagang paggamot ay naka depende sa kung ang sakit ay nauugnay sa impeksyon. Kapag pinaghihinalaan ang impeksiyon, kinakailangang isagawa ang pagsusuri upang malaman kung ang sanhi ay bakteryal o viral. Hindi tutugon sa antibiyotiko ang mga viral na impeksiyon. ...