Bacterial Vaginosis or Impeksiyon sa Ari ng Babae
Pelvis | Obstetriks at Hinekolohiya | Bacterial Vaginosis or Impeksiyon sa Ari ng Babae (Disease)
Paglalarawan
Ang Bacterial vaginosis ay isang kondisyong medikal na kinakarakterisa ng hindi normal na diskarga ng ari ng babae na nagriresulta sa sobrang paglaki ng normal na bakterya sa ari. Bagaman ang Bacterial vaginosis ay hindi mapanganib na karamdaman, ito ay pwedeng magsanhi ng mga nakakainis na sintomas.
Ang mga senyales at sintomas ng Bacterial vaginosis ay maaaring may kasamang: diskarga na manipis at maabong kulay sa ari; malansang amoy, karaniwan nangyayari pagkatapos makipagtalik; pangangati o iritasyon ng ari; sakit habang nagkikipagtalik; paghapdi habang umiihi; konting pagdurugo sa ari. Kadalasan, maaaring ikaw ay magkaroon ng Bacterial vaginosis kahit walang mga sintomas. Sa ilalim ng ilang tiyak na pangyayari, ang pagkakaroon ng Bacterial vaginosis ay pwedeng magresulta sa: maaagang panganganak; mga impeksyong naihahawang pansekswal at panganib ng impeksyon pagkatapos ng operasyong gynecologic.
Mga Sanhi at Panganib
Kung ang mga organismong normal na nasa ari ng babae ay magsimulang lumaki, ang resulta ay Bacterial vaginosis. Ang mga mikroorganismong kaugnay sa Bacterial vaginosis ay sobrang magkakaiba, ngunit kasama ang Gardnerella vaginalis, Mobiluncus, Bacteroides, at Mycoplasma. Ang bacterial vaginosis ay pwedeng maihawa sa pakikipagtalik, ngunit pwede rin itong mangyari sa mga taong hindi aktibo sa mga sekswal na aktibidad.
Ang mga salik ng panganib para sa bacterial vaginosis ay nakapaloob ang: iba’t ibang kapareha sa pakikipagtalik o bagong kapareha sa pakikipagtalik; douching (ang kaugaliang pagbabanlaw sa ari ng babae ng tubig o ahenteng naglilinis na nakakabahal sa natural na balanse sa paligid ng ari; mga babaeng gumagamit ng intrauterine device (IUD) para sa pagkontrol sa panganganak; maitim na lahi; natural na kakulangan sa bacterial vaginosis.
Pagsusuri at Paggagamot
Ang mga kasanayan ay may kasamang eksamin sa balakang at sampol ng sekresyon sa ari ng babae. Ang kadalasang medikal na rehimen para sa paggagamot ay antibiyutikong Metronidazole, ngunit ang Clindamycin o Tinidazole ay maaari ring gamitin. ...
