Abacavir, Lamivudine, Zidovudine
Mylan Laboratories | Abacavir, Lamivudine, Zidovudine (Medication)
Desc:
Ang Abacavir ay isang gamot na ginagamit kasama ng iba pang mga antiviral na gamot. Ito ay mabisang medikasyon para gamutin ang mga taong nahawaan ng HIV. Kapag hindi agad naagapan, ang virus na ito ay nagdudulot ng Acquired Immunodeficiency Syndrome o mas kilala sa tinatawag na AIDS. Ang abacavir ay kabilang sa isang uri ng gamot na ang tawag ay nucleoside transcriptase inhibitors. Ang medikasyong ito ay resulta ng tatlong pinaghalong gamot na lamivudine bilang Kiveza at lamivudine at zidovudine bilang Trizivir. Pwedeng inumin ang gamot na ito ng hiwalay okasabay ng iba pang gamot. Ang dosis ng kada sangkap ng Trizivir ay katumbas lamang ng mga kaparehong gamot kapag ininom ng hiwalay. ...
Side Effect:
May ilang side effects na kaakibat sa paggamit ng medikasyon na ito. Ang pasyente ay pwedeng magkaroon ng lagnat; igsi ng paghinga, masakit na lalamunan o ubo; pagduduwal, pagsusuka, pagtatae o sakit sa tiyan; pagkapagod o pakiramdam na may sakit. Maaari ding magkaroon ng sakit ng ulo, pagtatae, o problema sa pagtulog. Kapag ang sentomas na ito ay patuloy na nararanasan o lumala, kailangang ipagbigay-alam kaagad sa iyong doktor o parmasyutiko. Ang mga epekto ng pag-inom ng gamot na ito ay bihira ngunit maaaring mangyari tulad ng pagbabago sa kaisipan o kalooban tulad ng pagka-depress, pamamanhid ng mga kamay o paa, panghihina ng kalamnan, sakit ng tiyan o likod na may pagduduwal o pancreatitis. Ang mga sumusunod naman ay mga malubha ngunit bihira lang na epekto ng medikasyon na ito. Kasama dito ang madaling pagdurugo o pagpapasa, mga palatandaan ng anemia katulad ng hindi pangkaraniwang pagkapagod, mabilis na tibok ng puso, maputla o mala-bughaw na balat sa katawan. Habang umiinom ng gamot sa HIV, pwede ring magkaroon ng mga pagbabago sa taba ng katawan katulad ng pagtaas ng taba sa itaas na lugar ng likod at tiyan habang nababawasan na taba sa braso at binti. Bihira lamang ang seryosong reaksiyong alerdyi sa medikasyon na ito. Kung napansin mo ang anumang mga sintomas ng isang malubhang reaksyon ng alerdyi, mahalaga na maghanap kaagad ng medikal na atensyon. Kabilang sa mga reaksyon ang pantal, pangangati o pamamaga ng mukha, dila o lalamunan, matinding pagkahilo at problema sa paghinga. ...
Precaution:
Napakahalaga na magbigay alam muna sa inyong doktor o parmasyutiko kung mayroon kang mga alerdyi, sa hindi pa kumuha ng abacavir / lamivudine / zidovudine. Maaaring maglaman ng mga hindi aktibong sangkap ang produktong ito na maaaring maging sanhi ng mga reaksiyong alerdyi o iba pang mga problema sa kalusugan. Para makasiguro at handa, importante na makipag-usap sa iyong parmasyutiko para sa higit pang mga detalye. Pinapayuhan ang gagamit ng medikasyon na ito na bago ito gamitin ay maging tapat sa paglahad sa iyong doktor o parmasyutiko ng iyong kasaysayang medikal katulad ng mga problema sa bato, mga problema sa atay tulad ng hepatitis B o C, cirrhosis, sakit ng pancreas o pancreatitis, paggamit ng nakakalasing na alkohol at mababang bilang ng pula o puting selula ng dugo. Dapat tandaan na ang Abacavir ay maaaring maging sanhi pagkaroon ng atake sa puso. Datapwat, serysosing talakayin ang mga panganib at benepisyo ng paggamot sa iyong doktor at ang mga paraan upang maiwasan ang panganib na magkaroon sakit sa puso. Iwasan ang magmaneho ng sasakyan, gumamit ng makinarya, o gumawa ng anumang aktibidad na nangangailangan ng pagkaalerto hanggang sa sigurado ka na maaari mong maisagawa nang ligtas ang naturang mga aktibidad. Para maiwasan ang pagkahilo at maiwasan ang magkaroon ng sakit sa atay at pancreatitis, dapat mo ring limitahan ang mga inuming nakalalasing. Ang mga bata ay mas malaking tyansa na makaranas ng mga epekto lalo na sa sakit na pancreatitis. Magbigay alam sa inyong doktor o dentista sa mga gamot na inyong iniinom kung kayo ay sasailalim sa kahit anumang operasyon sa katawan. Maging maingat sa pag-inom ng gamot na ito. Pwede naman ito sa mga buntis pero gamitin lamang kung kinakailangan. Napagalaman na ang gamot na ito ay nakakapagpapababa sa panganib na maipasa ang HIV sa sanggol habang nasa sinapupunan ng ina. Ang Abacavir / lamivudine / zidovudine ay maaaring bahagi ng paggamot na iyon. Hindi pa tiyak kung ang abacavir ay dumadaloy sa gatas ng suso ng ina pero ang lamivudine at zidovudine ay dumadaloy sa gatas ng suso ng ina. Maaaring magpasa ng HIV ang gatas na galing sa suso ng ina kaya mahigpit na pinapayuhan na huwag magpapasuso ang mga ina na may HIV. ...