Acarbose
Roxane Laboratories, Inc. | Acarbose (Medication)
Desc:
Ginagamit ang Acarbose upang gamutin ang mga pasyente na may diyabetis ngunit hindi umaasa sa insulin. Sapagkat, ang mga pasyente ay kinokontrol lamang ng hindi sapat na diyeta o ang mga pasyente na may siet na nauugnay sa mga iniinom na gamot. Ang gamot na Acarbose ay ginagamit upang makontrol ang bilang ng asukal sa dugo. Ito ay posible dahil pinapabagal nito ang magtunaw ng pagkain at nagpapababa sa abnormal na pagtaas ng asukal sa dugo na kadalasang nangyayari pagkatapos kumain. Iiniinom ang gamot na ito karaniwang isang beses sa isang araw, o ayon sa payo ng iyong doktor. Hanggat walang payo ng doktor, huwag taasan o bawasan ang dosis o dalas ng pag-inom ng gamot na ito. ...
Side Effect:
May ilang kaakibat na epekto sa katawan ang gamot na ito. Ang Acarbose ay maaaring maging sanhi ng labis na gas sa tiyan at mga bituka, sakit ng tiyan, pagtatae, pagduduwal, pagsusuka, at hindi pagkatunaw ng pagkain. Kapag alin man sentomas na ito ay patuloy na nararanasan o lumala, kailangang ipagbigay-alam kaagad sa iyong doktor o parmasyutiko. Ang mga sumusunod naman ay mga malubha ngunit bihira na epekto ng Acarbose. Kabilang sa malubhang masamang reaksyon ay kasama sa mga allergy - pantal, nangangati, kahirapan sa paghinga, pagsara ng lalamunan, pamamaga ng mga labi, dila o mukha; pagpapanatili ng likido; paninilaw; hepatitis; o pagbaba sa bilang ng mga platelet sa dugo na kilala bilang thrombocytopenia. Napakahalaga na magbigay alam sa inyong doktor o parmasyutiko kung mararanasan ang alinman sa mga epektong ito. ...
Precaution:
Kung merong alerdyi sa anumang gamot, ipagbigay-alam muna sa iyong doktor. Mahalaga na magsabi sa iyong doktor kung gumagamit ka ng iba pang gamot at kung mayroon ka o nagkaroon ka ng alinman sa mga sumusunod na kondisyon:nagpapaalab na sakit sa bituka tulad ng ulcerative colitis o Crohn's disease; gat; luslos; sakit sa atay o bato. Ito ay hindi ligtas gamitin ng mga buntis o nagpapasuso. Humingi muna ng payo sa iyong doktor. ...