Etonogestrel, ethinyl estradiol - vaginal ring
Biotecnol | Etonogestrel, ethinyl estradiol - vaginal ring (Medication)
Desc:
Ang Etonogestrel at ethinyl estradiol vaginal ring ay ginagamit upang pigilan ang pagbubuntis. Ang Etonogestrel at ethinyl estradiol vaginal ring ay nasa isang klase ng mga medikasyong tinatawag na kombinasyong mga kotraseptibong hormonal (mga medikasyong pangontra sa pag-aanak). Ang Etonogestrel ay isang progestine at ang ethinyl estradiol ay isang estrogen. Ang Etonogestrel at ethinyl estradiol vaginal ring ay gumagawa sa pamamagitan ng pagpipigil sa obulasyon (paglabas ng itlog mula sa mga obaryo). Ito rin ay nagbabago sa lining ng matris (bahay-bata) upang pigilan ang pagsisimula ng pagbubuntis at pagbabago ng mukosa sa kwelyo ng matris (bukasan ng matris) upang pigilan ang tamod (mga reproduktibong selula ng lalaki) sa pagpasok. Ang contraceptive ring ay napakaepektibong paraan ng pangongontrol ng pag-aanak ngunit hindi pinipigilan ang pagkalat ng human immunodeficiency virus (HIV), isang mikrobyong nagsasanhi ng acquired immunodeficiency syndrome (AIDS) o ibang mga sakit na naipapasang pansekswal. ...
Side Effect:
Ang ilang mga epektong maaaring mangyari: pamamaga, pamumula, iritasyon, pagpapaso, pangangati, o inpeksyon ng ari ng babae; puti o dilaw na diskarga ng ari ng babae; mga pagdurugo ng ari o spotting kung hindi pa naman panahon ng regla; sakit ng ulo; makating ilong; pagduduwal; pagsusuka; mga pagbabago sa ganang kumain; pagdagdag ng timbang o pagbawas; pamimilipit ng tiyan o pamimintog; pagkakaba. ...
Precaution:
Sabihin sa iyong doktor at parmaseutiko kung ikaw ay hindi hiyang sa etonogestrel, ethinyl estradiol o sa kahit anong ibang mga medikasyon. Sabihin sa iyong doktor at parmaseutiko kung anong ibang mga gamot na may reseta at wala, mga bitamina, at suplementong nutrisyonal na iyong ginagamit. Siguraduhin sasabihin sa iyong doktor ang alinman sa mga sumusunod: acetaminophen, mga antibiyutiko, mga medikasyong para sa HIV o AIDS, mga medikasyong para sa seizure tulad ng carbamazepine at kahit anong medikasyong inilalagay sa ari. Maaaring kailanganin mo ng dagdag na paraang pangontrol sap ag-aanak kung ikaw ay uminom ng ilang mga medikasyong ito habang ikaw ay gumagamit ng contraceptive ring. ...