Eulexin

Schering-Plough | Eulexin (Medication)

Desc:

Ang Eulexi/flutamide ay isang antiandrogen. Ito ay pumipigil sa mga aksyong ginagawa ng mga androgens sa katawan (panlalake na mga hormon). Ang Eulexin/flutamide ay ginagamit upang paggagamot ng kanser sa prosteyt. ...


Side Effect:

Sa mga madalang na pagkakataon, ang Eulexin/flutamide ay naging sanhi ng malubhang pagkasira ng atay na nagreresulta sa pagkamatay o pagpapagamot sa ospital. Agad ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay magkaroon ng pagduduwal, pagsusuka, pananakit ng sikmura, kakaibang pagkahapo, pagkawala ng gana kumain, sintomas gaya ng trangkaso, madilaw na balat o kulay ng mata, pangangati, kulay putik na dumi, madilim na ihi. Ang mga sintomas na nabanggit ay maaaring maagang palatandaan ng pagkasira ng atay. Ang ibang hindi gaanong malubha na mga epekto ay maaaring maranasan. Ipagpatuloy ang paggamit ng flutamide at kumonsulta sa iyong doktor kung ikaw ay makakaranas ng: hot flashes, pagtatae, pagpapantal, sobrang sensitibo ng balat sa sikat ng araw, pagkawala ng libido, pagka-baog, pagbaba ng bilang ng semilya, paglaki ng suso, kulay berdeng ihi, pagdudugo ng puwit o pamamaga nito, kulay dugong ihi. Agad humanap ng atensyong medikal kung iyong mararanasan ang mga sintomas ng matinding reaksyong alerdyi na maaaring mayroong: pamamantal, pangangati/pamamaga (lalo na sa mukha, dila o lalamunan) matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. ...


Precaution:

Bago gumamit ng Eulexin/flutamide, ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong alerdyi o kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng mga sumusunod na kondisyong medikal: problema sa atay, kakulangan sa enzyme (G6PD), paninigarilyo, hemoglobin M na sakit. Ang gamot na ito ay madalang na magiging dahilan ng pagkahilo o pagkaantok. Huwag magmamaneho o gumamit ng makinarya o gumawa nga anumang bagay na nangangailangan ng ng pagka-alerto hanggat ikaw ay nakasisiguro na magagawa ang mga nasabing bagay ng ligtas. Iwasan ang paginom ng alak. Bago sumailalim sa operasyon, ipaalam sa iyong doktor o dentista ukol sa paggamit ng mga gamot (kasama na ang mga gamot na nangangailangan man o hindi ng reseta at mga gamot na erbal). Ang mga matatanda ay maaaring maging mas senstibo sa mga epekto ng gamot na ito lalo na ang pagkaantok. Ang gamot na ito ay hindi kadalasan ipinapagamit sa mga babae. Hindi ipinapayo ang paggamit ng gamot na ito kung ikaw ay nagbubuntis o nagpapasuso nang walang pagsangguni sa iyong doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».