Everolimus
Par Pharmaceutical | Everolimus (Medication)
Desc:
Ang Evorolimus ay nagpapababa ng immune system ng katawan. Ang immune system ay tumutulong sa iyong katawan upang labanan ang mga impeksyon. Ang immune system ay maaari din labanan o itakwil ang mga nailipat ng mga organ sa katawan kagaya ng atay o bato. Ito ay nangyayari sapagkat ang immune system ay itinuturing na ang nailipat na bagong organ ay isang mananakop na lumulusob sa katawan. Ang Zortress na tatak ng everolimus ay ginagamit upang mapigilan ang pagtakwil sa nailipat na organ matapos ang operasyon ng paglipat ng bato. Ang Zortress ay ginagamit kasama ng cyclosporine (Gengraf, Neoral, Sandimmune), isteroyd, at iba pang gamot. ...
Side Effect:
Ang pinaka karaniwang abnormalidad ay hyperglycemia, lymphopenia, pagbaba ng hemoglobin, hypophosphatemia, pagtaas ng alkaline phosphatase, neutropenia, pagtaas ng aspartate transaminase (AST), pagbaba ng potasyum, at thrombocytopenia. Ang pinaka karaniwang masamang reaksyon ay stomatitis, pamamantal, pagtatae, pagkahapo, pagpapasa, pananakit ng sikmura, pagduduwal, lagnat at pananakit ng ulo. ...
Precaution:
Huwag gagamitin ang gamot na ito kung ikaw ay may alerdyi sa everolimus o sirolimus (Rapamune)o kung ikaw ay may problema sa pagtunaw ng lactose o galactose (asukal). Upang makasiguro na ligtas na gumamit ng everolimus, ipaalam sa iyong dokto kung ikaw ay mayroong kondisyon gaya ng mga sumusunod: sakit sa atay; mataas na kolesterol o triglycerides; aktibong impeksyon; diyabetis o mataas na asukal sa dugo; sakit ukol pamumuo ng dugo; karamdaman sa paghinga, tulad ng hika o COPD (chronic obstructive pulmonary disease); kasaysayang medikal, pansarili o sa pamilya, ng kanser sa balat (melanoma); o kung ikaw ay buntis o magbubuntis. ...