Evoxac

Daiichi Sankyo | Evoxac (Medication)

Desc:

Ang Evoxac/cevimeline ay tinakda upang bigyang lunas ang sintomas ng pagkatuyo ng bibig sa mga pasyenteng mayroong Sjögren’s syndrome. Ang Evoxac ay di tinatakda upang gamutin o maiwasan ang Sjögren’s syndrome o iba pang sintomas ngSjögren’s syndrome. ...


Side Effect:

Itigil ang paggamit ng Evoxac at sumangguni agad sa iyong doktor kung ikaw makaranas ng mga sumusunod:humuhuni o hirap sa paghinga; paninikip o pagsakit ng dibdib; hindi regular na pagtibok ng puso; matinding pananakit ng kanang bahagi ng tiyan, na umaabot sa iyong balikat (maaring malala pagkatapos kumain); pagkahilo at pagsusuka, pagkabundat, lagnat, panlalamig at paninilaw ng balat o ng mata; pamamaga ng kamay o paa; pananakit ng mata o pagluluha; lagnat, pagsakit ng tenga, sintomas ng trangkaso; o tagpi-tagping pamumuti o mga sugat sa loob ng bibig o labi. Ang mga iba pang epekto ng gamot ay ang mga sumusunod:pagkalabo ng paningin, panunuyo ng mata; matinding pagpapawis o paglalaway o pagtulo nito; pagtulo ng sipon o pagbabara ng ilong; pagkahilo, pagtatae, hirap sa pagdumi, pagkawala ng gana sa pagkain; panunuyo ng bibig; pananakit ng kalamnan; pangagati ng ari ng babae o paglabas ng likido mula sa ari ng babae o tinatawag na vaginal discharge. Agad humanap ng atensyong medikal kung ikaw ay makakararanas ng mga sintomas ng matinding allergy na maaring kasama ang mga sumusunod:pamamantal, pangangati/pamamaga (lalo na sa mukha/dila/lalamunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. ...


Precaution:

Sumangguni sa iyong doktor bago gamitin ang gamot kung ikaw ay mayroong alerdyi o ikaw ay mayroong:di nalulunasan o di mapigilang hika; glaucoma; o kundisyon sa mata na tinatawag na iritis o uveitis; sakit sa puso, karamdaman sa pagtibok ng puso, angina (pagsakit ng dibdib), o nagkaroon ng pagatake ng puso; pagtaas ng presyon (hypertension); hika, chronic bronchitis, o chronic obstructive pulmonary disease (COPD); o pagkakaroon ng sakit sa bato o bato sa apdo. Di nirerekomenda ang paggamit ng gamot ng walang pagsangguni sa doktor kung ikaw ay nagbubuntis o nagpapasuso. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».