Exelon

Novartis | Exelon (Medication)

Desc:

Ang Exelon/rivastigmine ay nagpapabuti ng mga selula ng mga ugat sa utak. Ang Rivastigmine ay pumipigil sa pagbibiyak-biyak ng mga kemikal na tinatawag na acetylcholine. Ang mga taong mayroong demensya ay karaniwang may mababang antas ng nasabing kemikal na siyang tinuturing na mahalaga sa proseso ng memorya, pag-iisip at pangangatwiran. Ang Exelon transdermal (pandikit sa balat) ay ginagamit upang mabigyang lunas sa banayad hanggang sa katamtamang demensya na dulot ng Alzheimer's o Parkinson's na sakit. ...


Side Effect:

Ang mga pinaka-pangkaraniwang epekto ay pagduduwal, pagsusuka, pagbaba ng timbang. Nasa kalahati ng mga pasyente na gumagamit ng rivastigmine ay nakaranas ng pagduduwal at nasa 1/3 ay nagsusuka ng minsan sa isang beses, na pangkaraniwang nagaganap sa mga unang linggo ng paggagamot habang itinataas ng dosis. Nasa pagitan ng isa sa lima at isa sa apat na mga pasyente ay nababawasan ng timbang habang naggagamot ng rivastigmine (humigit kumulang sa 7 to 10 libra). Nasa pagitan ng isa sa anim na mga pasyente ay nakakaranas ng pagkawala ng gana kumain. Nasa pagitan ng isa sa limampung pasyente ang nagkakaroon ng pagkahilo. Pangingisay o sisyur, pagbaba ng pulso, pagbaba ng presyon ng dugo, pagkahimatay, at depresyon ay mga naiulat din. ...


Precaution:

Huwag gumamit ng Exelon kung ikaw ay mayroong alerdyi sa rivastigmine. Bago gamitin ang Exelon, ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay may sakit sa atay, sakit sa ritmo ng puso gaya ng sick sinus syndrome (mabagal ng tibok ng puso), lumalaking prosteyt, suliranin sa pag-ihi, sakit na sisyur, hika o alerdyi, mga tremor o di mapigilang paggalaw ng kalamnan, kasaysayan ng ulser sa tiyan. Palagiing alisin ang lumang pandikit bago ilagay ang bago. Huwag maglalagay ng mahigit sa isang pandikit ng sabay na beses. Itigil ang paggamit ng Exelon at tawagan ang iyong doktor kung ito ay maging dahilan ng iyong pagduduwal at pagsusuka o pagkawala ng gana kumain o pagbaba ng timbang. Kung ikaw ay titigil sa paggamit ng Exelon sa anumang kadahilanan, huwag sisimulan muli ang paggamit nito ng wala pagsangguni sa iyong doktor. Ikaw ay maaaring magsimulang gumamit ng gamot na ito sa mas mababang dosis. Kung ikaw ay mangangailangan ng operasyon, ipaalam sa iyong doktor na magoopera na ikaw ay gumagamit ng Execlon. Ang Exelon ay maaaring makaapekto sa iyong pag-iisip o reaksyon. Maging maingat kung ikaw ay magmamaneho o gagawa ng anumang bagay na nangangailangang maging alerto. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».