Exforge
Novartis | Exforge (Medication)
Desc:
Ang Exforge ay kumbinasyon ng amlodipine at valsartan na ginagamit upang lunasan ang pagtaas ng presyon ng dugo (hypertension). Ang gamot na ito ay karaniwang binibigay pagkatapos masubukan ang iba pang mga gamot na hindi nalunasan ang hypertension. Ang Amlodipineay isang calcium channel blocker. Ito ay nagiging mabisa sa pamamagitan ng pagpapahinga ng mga kalamnan ng iyong puso at mga daluyan ng dugo. Ang Valsartan ay isang angiotensin II receptor antagonist. Ang Valsartan ay pinapanatili ang mga daluyan ng dugo sa pagsikip, na siyang nagpapababa ng presyon ng dugo at nagpapabuti ng pagdaloy ng dugo. ...
Side Effect:
Ang karaniwang epekto na maaring mangyari sa paggamit ng Exforge ay:pamamanas (edema) ng mga kamay, bukung-bukong, o mga paa; pagbabara ng ilong, pamamaga ng lalamunan, hirap sa paglunok; impeksyon sa bandang tass ng iyong respiratory tract (ulo o chest cold); pagkahilo. Ang iba pang malubhang epekto ay:pinsala o kamatayan ng sanggol sa sinapupunan; mababang presyon ng dugo (hypertension). Labis na pananakit ng dibdib o atake sa puso sa mga taong nagkaroon na ng malubhang sakit sa puso. Humanap ng madaliang tulong medical kung lumala ang pananakit ng dibdib o hindi mawala walang pananakit ng dibdib. ...
Precaution:
Kung ikaw ay nagkaroon ng malusog na pamumuhay at gumamit ng mga gamot para sa mataas na presyon ng dugo gaya ng calcium channel blockers (CCBs) o angiotensin receptor blockers (ARBs), ngunit ang ang iyong presyon ng dugo ay hindi pa din naiayon sa tama, ang Exforge ay maaaring para sa yo. Ang gamot na ito ay maaring magdulot ng pagkahilo. Tumayo ng marahan at matatag upang maiwasan ang pagbagsak. Iwasan magmaneho at limitahan ang paginom ng alak. Huwag gumamit ng potassium supplements o pamalit sa asin habang gumagamit ng amlodipine at valsartan, maliban na lamang kung ito ay itinakda ng iyong doktor. Tawagan ang iyong doktor kung ikaw ay mayroong pamamanas ng kamay o paa, mabilisang pagbigat ng timbang, mabilis o bumbabayong tibok ng puso, paninilaw ng balat o mata, pananakit ng dibdib o mabigat na pakiramdam, kumakalat na kirot sa braso o balikat, pagduduwal, labis na pagpapawis, masamang pakiramdam, o tilaikaw ay hihimatayin. Di nirerekomenda ang paggamit ng gamot ng walang pagsangguni sa doktor kung ikaw ay nagbubuntis o nagpapasuso. ...