Extina

Stiefel Laboratories | Extina (Medication)

Desc:

Ang extina/ketoconazole topical ay ginagamit upang bigyan lunas ang kundisyon sa balat na tinatawag na seborrheic dermatitis). Sa kondisyon ito, pinaniniwalaang ang punggus (Malassezia furfur) ay kumakapit sa balat na nagiging dahilan ng pagkatuyo, nagkakaliskis na balat sa anit o scaling, mukha, tenga, dibdib, o taas na bahagi ng likod. Ang Ketoconazole ay isang azole panlaban-punggal na gamot na pumipigil sa pagdami ng punggus. Ito ay nangangailangan ng asido sa sikmura upang matunaw. ...


Side Effect:

Ang mga epekto ng gamot ay mga sumusunod: sobrang pangangati, paginit, o iritasyon sa parte na pinahidan ng gamot; malangis o tuyong anit, katamtamang pagkalagas ng buhok; pamumula, pananakit, nagtutubig sa parte ng nilagyan ng gamot; pamumula ng mata, pamamaga. Ang mga epekto na nauukol sa balat na nauugnay sa ketoconazole shampoo ay pababago ng kulay ng buhok, hindi normal na tekstura ng buhok, malangis na tekstura ng buhok, pagka-kalbo o alopecia, pagsusugat ng anit, pangangati, pakiramdam ng pagkapaso, contact dermatitis, pamamantal, urticaria, iritasyon ng balat, panunuyo ng balat, at katamtamang panunuyo ng anit. Ang Ketoconazole topical na krema ay nauugnay sa sobrang iritasyon, pruritus at pangingirot. Impetigo, pyogenic granuloma, akne, pagbabago ng kulay ng mga kuko at mga maaaring maging dahilan ng iritasyon ay naiulat ukol sa ketoconazole na dyel. Mga madalang na naiulat ukol sa contact dermatitis ay nauugnay sa ketoconazole na krema o isa sa mga aktibong sangkap nito, gaya ng sodium sulfite o propylene glycol, na naranasan matapos ipakilala sa merkado. Agad humanap ng atensyong medikal kung ikaw ay makaranas ng sintomas matinding reaksyong alerdyi kasama na ang: pamamantal, pangangati/pamamaga (lalo na sa mukha/dila/lalamunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. ...


Precaution:

Bago gumamit ng Extina/ketoconazole, ipaalam sa iyong doktor o parmasyudito kung ikaw ay mayroong alerdyi. Ipaalam sa iyong doktor bago gumamit ng gamot na ito ay iyong kasaysayang medikal. Ang gamot na ito ay maaaring maging dahilan na pagiging mas sensitibo sa sikat ng araw. Iwasan ang matagal na pagbabad sa sikat ng araw, mga tanning booth, at sunlamps. Gumamit ng sunscreen at magsuot ng damit panlaban sa sikat ng araw habang nasa labas. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».