Eye lubricant - ophthalmic
Unknown / Multiple | Eye lubricant - ophthalmic (Medication)
Desc:
Ang gamot na ito ay ginagamit upang mabigyang lunas ang panunuyo o iritableng mata. Ang karaniwang dahilan ng panunuyo ng mata ay ang hangin, araw, pampainit o pampalamig na makina o erkon, paggamit ng kompyuter, at iba pang gamot. Ang mga pampadulas na gamit sa mata ay nagpapapanatili na ang mata ay maging mamasa-masa, at tumutulong upang maprotektahan ang mga mata sa anumang sakuna o impeksyon, at nagpapababa ng mga sintomas na panunuyo ng mata tulad ng pag-iinit, pangangati, at pakiramdam na tila mayroong puwing.
...
Side Effect:
Ang iyong paningin ay maaaring pansamantalang manlabo kung ang gamot na ito gagamitin sa unang pagkakataon. Katamtamang pagkapaso/pagkirot/iritasyon ay maaaring maranasan. Ipaalam sa iyong doctor o parmasyutiko kung ang mga nasabing mga epekto ay manatili o maging malubha. Agad ipaalam sa iyong doktor kung mga sumusunod na mga madalang na epekto ay maranasan:pagsakit ng mata, pagbabago sa paningin, patuloy na pamumula ng mga mata/iritasyon. Madalang na makaranas ng malubhang epekto ng gamot. Ngunit agad humanap ng atensyong medikal kung ikaw ay makapansin ng mga sintomas ng reaksyong alerdyi, katulad ng pamamantal, pangangati/pamamaga (lalo na sa mukha/dila/lalamunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. ...
Precaution:
Ipaalam sa iyong doktor bago gumamit ng gamot na ito kung ikaw ay mayroong anumang uri ng alerdyi. Ipaalam sa iyong doktor o parmasyutiko bago gamitin ang gamot na ito ukol sa iyong kasaysayang medikal, lalo na ang mga sumusunod: glaucoma; problema sa puso (hal. atake sa puso, paninikip ng dibdib); mataas na presyon ng dugo; diyabetis; impeksyon o kapansanan sa mata; sobrang aktibong teroydeo (hyperthyrodism). Ang gamot na ito ay maaring maging sanhi ng pansamantalang paglabo ng paningin matapos ipahid sa mga mata. Huwag magmaneho o gumamit ng makinarya, o gumawa ng anumang aktibidad na nangangailangan ng malinaw na paningin hangga't ikaw ay nakasisiguro na iyong magagampanan ang nasabing gawain ng ligtas. Ipinapayo ang pag-iingat sa paggamit sa gamot na ito sa mga bata sapagkat sila ay maaaring maging sensitibo sa mga epekto ng gamot, lalo na ang iritasyon sa mata. Hindi ipinapayo ang paggamit ng gamot na ito sa mga buntis o nagpapasuso nang walang pagsangguni sa iyong doktor. ...