Ezetimibe and simvastatin
Merck & Co. | Ezetimibe and simvastatin (Medication)
Desc:
Ang Ezetimibe at simvastatin ay ginagamit upang malunasan ang mataas na antas ng kolesterol sa dugo. Ang Ezetimibe ay gumagana sa pamamagitan ng pagpapababa ng kolesterol sa dugo at pagharang sa pagsipsip ng kolesterol, kasama na ang pandiyetangkolesterol , mula sa bituka at ang simvastatin ay nagpapababa ng kolesterol sa papamagitan ng pagharang sa enzyme na nasa atay na gumagawa ng kolesterol. Gamitin kasabay ng tamang diyeta at ehersisyo, ang mga ito ay maaaring mapigilan ang mga suliraning medikal na sanhi ng pagbabara ng vessels sa dugo tulad ng atake sa puso o stroke. ...
Side Effect:
Ang kombinasyon na ito ay maaaring maging sanhi ng mga sumusunod:pamamanhid o pangingilabot na pakiramdam; pananakit ng ulo, pagkahilo, pagkalimot; depresyon; hirap sa pagdumi, pagtatae; ubo, pamamaga ng lalamunan, labis na sipon o pagbabara ilong; pagsakit ng mga kasukasuan, pananakit ng likod; o hirap sa pagtulog (insomniya). Ang mga malalang epekto ay kailangan mabigyan ng agarang alagang medikal. Maaring ang mga ito ay ang mga sumusunod:allergic reaksyon—pamamantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagsasara ng lalamunan, pamamaga ng labi, dila, o mukha; pananakit ng kalamnan, panghihina na may kasamang lagnat o mga sintomas ng trangkaso at pangingitim ng ihi; pagduduwal, pananakit ng tiyan, pagkawala ng gana sa pagkain, pangangati, madilim na ihi, kulay putik na dumi, at paninilaw; pancreatitis; madaling magpasa o magdugo; o mga suliranin sa paningin. ...
Precaution:
Ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay may alerdyi bago gamitin ang gamot na ito. Ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay mayroon o nagkaroonng mga sumusunod na kundisyon:sakit sa atay o bato; diyabetis; hindi aktibong thyroid; sakit sa kalamnan; o kung ikaw ay gumagamit ng gamot na steroid o hormones gaya ng gamot kontrasepsiyon. Dahil ang gamot na ito ay maaring maging sanhi ng problema sa paningin at pagkahilo, huwag magmamaneho o gagamit ng mabibigat na makinarya hanggat ikaw siguradong magagampanan ng maingat ang nasabing gawain. Di nirerekomenda ang paggamit ng gamot ng walang pagsangguni sa doktor kung ikaw ay nagbubuntis o nagpapasuso. ...