Ezide
Apotex Inc. | Ezide (Medication)
Desc:
Ang Ezide/hydrochlorothiazide ay isang thiazide diuretic (water pill) na tumutulong upangmapigilan na iyong katawan na sumipsip ng sobrang asin na maaaring magdulot ng pagiimbak ng likido “fluid retention. ”Ang Ezide/hydrochlorothiazide ay nagbibigay lunas sa naiimbak na likido o pamamanas (edema) sa mga taong may “congestive heart failure,” “cirrhosis” ng atay, sakit sa bato, o pamamanas dulot ng paggamit ng steroids o estrogen. Ang gamot na ito ay ginagamit din upang malunasan ang mataas na presyon ng dugo (hypertension). ...
Side Effect:
Ang mga epekto ng Ezide ay panghihina, mababang presyon ng dugo, pagiging sensitibo sa liwanag (pamamantal dulot ng liwanag ng araw), pagkabaog, pagduduwal, pananakit ng tiyan, “electrolyte disturbances,” “pancreatitis,” paninilaw, “anaphylaxis,” at pamamantal, katamaaman at maluba. Ang mga pasyente na mayroong alerdyi sa “sulfa” ay maaari rin mayroong alerdyi sa hydrochlorothiazide sapagkat magkapareho ang dalawang ito ng istrukturang kemikal. ...
Precaution:
Huwag gagamitin ang Ezide kung ikaw ay may alerdyi sa hydrochlorothiazide o kung ikaw ay nahihirapan sa pag-ihi. Bago gamitin ang Ezide, ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong sakit sa atay, sakit sa bato, “glaucoma,” hika o alerdyi, “gout” diyabetis, o kung ikaw ay may alerdyi sa “sulfa” o penicillin. Iwasan ang paginom ng alcohol na maaaring magpataas ng masamang epekto Ezide. Umiwas na maging sobrang init o magkulang sa tubig habang nag eehersisyo at nasa ilalim ng mainit na panahon. Sundin ay payo ng iyong doktor ukol sa uri at bilang ng tubig na kailangan mo inumin. Sa ibang mga kaso, ang paginom ng sobrang tubig ay maaring makasama gaya din ng hindi paginom ng tama. Maraming mga gamot na maaaring makasabay ng Ezide. Ipaalam sa iyong doktor ukol sa lahat ng gamot na iyong ginagamit. Kabilang na rito ang mga gamot na nangangalangan ng reseta, gamot na bibili sa botika ng walang kailangang reseta, bitamina at mga produktong erbal. Huwag magsisimulang gumamit ng ibang gamot ng walang paalam sa iyong doktor. ...