FemHRT

Warner Chilcott | FemHRT (Medication)

Desc:

Ang Femhrt ay isang tableta na naglalaman ng isang kumbinasyon ng ‘ethinyl estradiol’ at ‘norethindrone’. Ginagamit ang femhrt upang gamutin ang mga sintomas ng menopos tulad ng hot flashes, at pagkatuyo ng ari, pagkasunog, at pangangati. Ginagamit din ito upang maiwasan ang osteoporosis. Isang anyo ng ‘estrogen’ ang ‘Ethinyl Estradiol’. Ang ‘Estrogen’ naman ay isang pambabaeng seks hormon na kinakailangan para sa maraming mga proseso sa katawan. Ang ‘Norethindrone’ ay isang uri ng ‘progesterone’. Ang ‘Progesterone’ ay isang pambabaeng hormon na mahalaga para sa regulasyon ng obulasyon at regla. ...


Side Effect:

Ihinto ang paggamit ng Femhrt at kaagad na tawagan ang iyong doktor kung mayroon kang alinman sa mga seryosong epekto na ito: biglaang pamamanhid o panghihina, lalo na sa isang bahagi ng katawan; biglaang sakit ng ulo, pagkalito, sakit sa likod ng mga mata, mga problema sa paningin, pagsasalita, o balanse; sakit sa dibdib o mabigat na pakiramdam, sakit na kumakalat sa braso o balikat, pagduwal, pagpapawis, pangkalahatang sakit na pakiramdam; o mga problema sa pantog (sakit sa itaas na kanang bahagi ng tiyan na may pagduwal at pagsusuka); paninilaw ng balat (paninilaw ng balat o mga mata); o bukol ng dibdib. Ang mga hindi gaanong malubhang epekto ay maaaring kasama: banayad na pagduwal, pagsusuka, sakit sa tiyan; pagsakit ng dibdib pag nahawakan o pamamaga; pekas o pagitim ng balat ng mukha; mabilis na paghaba ng buhok, pagkawala ng buhok sa anit; mga pagbabago sa timbang o gana sa pagkain; mga problema sa mga kontak lens; sipon; pangangati o paglabas ng likido sa puki; mga pagbabago sa iyong regla, nabawasang hilig/lakas sa seks; o sakit ng ulo, pagkahilo, mga problema sa pagtulog. Humingi ng agarang atensyong medikal kung nakakaranas ka ng anumang mga sintomas ng isang seryosong reaksiyong alerdyi na maaaring kasama: pantal, pangangati/pamamaga (lalo na sa mukha/dila/lalamunan), matinding pagkahilo, at problema sa paghinga. ...


Precaution:

Huwag gumamit ng Femhrt kung mayroon kang alinman sa mga sumusunod na kondisyon: isang kasaysayan ng strok o pamumuo ng dugo, problema sa sirkulasyon, isang kanser na nauugnay sa hormon tulad ng kanser sa suso o matris, abnormal na pagdurugo sa ari ng babae, kung kamakailan ay nagkaroon ka ng strok o atake sa puso, kung pinatanggal mo ang iyong matris (hysterectomy), o kung mayroon kang isang reaksiyong alerdyi mula sa mga tabletang nagko-kontrol ng kapanganakan o iba pang mga hormon. Bago kumuha ng femhrt, sabihin sa iyong doktor kung mayroon kang mataas na presyon ng dugo o sakit sa puso, mataas na kolesterol, sakit sa pantog, dyabetis, hika, mga sumpong/atake, sakit sa atay, isang sakit sa teroydeo, mataas na label ng kaltsyum sa iyong dugo, sakit sa ulong dulot ng migraine o isang kasaysayan ng depresyon, fibroid na tumor sa iyong matris, o isang kasaysayan ng kanser sa suso o isang abnormal na mammogram. Iwasan ang paninigarilyo habang gumagamit ng Femhrt. Ang paninigarilyo, ay maaaring makadagdag sa ‘yong panganib na magkaroon ng pamumuo sa dugo, strok, o atake sa puso na sanhi ng pagkuha ng mga hormons. Magkaroon ng regular na pisikal na mga pagsusulit at suriin ang sariling suso kung may mga bukol sa isang buwanang batayan habang ginagamit ang Femhrt. Ang gamot na ito ay maaaring maging sanhi ng mga depekto sa kapanganakan. Huwag gamitin kung ikaw ay buntis. Sabihin kaagad sa iyong doktor kung ikaw ay buntis, o kung napalampas mo ang dalawang regla ng magkakasunod. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».