Fenugreek


Warner Chilcott | Fenugreek (Medication)


Desc:

Ang Fenugreek ay ginagamit para sa mga problema sa digestive tulad ng kawalan ng ganang kumain, naglolokong tyan, konstipasyon, at pamamaga ng tyan (gastritis). Ito ay ginagamit rin para sa mga kondisyon na nakakaapekto sa kalusugan ng puso gaya nang “pagpapatigas ng mga arterya” (atherosclerosis) at para sa mataas na lebel ng dugo ng tiyak na mga taba kasama ang kolesterol at triglycerides. Ang paggamit ng Fenugreek, nakahalo sa pagkain habang kumakain, ay nakikitaang nakakapagpababa ng lebel ng dugo pagkatapos ng pagkain sa mga taong may type 1 o type 2 dyabetis. Mayroong kasalungat na ebidensya tungkol sa epektibo ng paggamit ng fenugreek para sa pagpapababa ng kolesterol at ang mga pangunahing pananaliksik ay nagrerekomenda na ang fenugreek ay maaaring makapagpababa ng triglycerides sa mga taong may type 2 dyabetis. ...

Side Effect:

Pagtatae, kabagabagan ng tiyan, paglaki ng tyan, gas ang “mapol syrup” na amoy ng ihi ay maaaring mangyari. Ang Fenugreek ay maaaring magdulot ng pagbarado ng ilong, pagubo, paghatsing, pamamaga ng mukha, at malubhang reaksyong alerdyi sa mga grabe kasensitibong mga tao. Ang Fenugreek ay maaaring makapagpababa ng asukal sa dugo. Bagaman hindi pangkaraniwan, may mga naiulat na mga reaksyong alerdyi sa fenugreek. Tumigil sa paggamit ng fenugreek at humingi ng emerhensyang atensyong medical kung ikaw ay nakakaranas ng mga sintomas ng seryosong reaksyong alerdyi kasama na ang hirap sa paghinga; pagsara ng lalamunan; pamamaga ng mga labi, dila, o mukha; o mga pantal. Maaaring mapabago ng Fenugreek ang kulay at amoy ng ihi. Kahit na hindi ito delikado, ang iyong doctor ay maaaring kwestiyonin ang pagbabago ng kulay or amoy dahil ito ay maaaring maging kapareho doon sa nadudulot ng kapansanan sa metabolismong mapol syrup na sakit sa ihi. Iba pang di gaano kaseryosong mga epekto ay hindi pa naipapaulat sa paggamit ng fenugreek, bagaman ito parin ay posible. ...

Precaution:

Ang Fenugreek ay hindi ligtas sa pagbubuntis kapag ginamit ng mas madami pa kaysa sa mga nasa pagkain. Ito ay maaaring makapagdulot ng maagang mga kontraksyon. Pag-inom ng fenugreek bago manganak ay maaring magdulot sa bagong silang na bata upang magkaroon ng hindi-pangkaraniwang amoy ng katawan, na maaaring makagulo sa “sakit na mapol syrup”. Ito ay hindi nakikita na magdulot ng pang-matagalang epekto. Ang Fenugreek ay maaaring may malaking matutulong sa mga kababaihan na may problema sa suplay ng gatas sa suso, ngunit mayroon ding mga dapat na tandaan na nararapat ikonsidera. Nakakapagpababa ng lebel ng asukal sa dugo, at sa iilang pag-aaral ang paggamit nito bilang hypoglycemic, ay nakakapagpababa rin ng kolesterol sa dugo. Mas mataas na dosis kaysa sa dami ng nirekumenda ay maaring magresulta sa hypoglycemia sa ibang mga ina. Kung ikaw ay dyabetiko, gamitin lamang ang fenugreek kung ikaw may maganandang control sa lebel ng ‘yong asukal sa dugo. Habang ginagamit ito, pagmasdan nang Mabuti ang lebel ng iyong pag-aayuno at pagtapos ng iyong pagkain (matapos kumain) lebel. Mga ina na may hypoglycemia ay nararamat ring gumamit ng fenugreek ng may pag-iingat. ...