Ferrous Sulfate

Apotex Inc. | Ferrous Sulfate (Medication)

Desc:

Ang Ferrous Sulfate ay ginagamit panggamot sa anemyang may kakulangan sa iron (kakulangan sa pulang selula ng dugo na dulot ng pagkakaroon ng kakaunting iron sa katawan). Ang Ferrous Sulfate ay dumadating na isang regular, nakabalot, at mas pinahabang-pagkalat ng gamot sa katawan (matagal-kumilos) na mga tableta; regular at pinahabang-pagkalat ng gamot sa katawan na mga kapsula; at iniinom na likido (sirup, mga patak, at eliksir). Kadalasan na iniinom ang Ferrous Sulfate ng tatlong beses sa isang araw sa pagitan ng mga pagkain. Sundin ng maigi ang mga direksyon na nakalagay sa pakete, at tanungin ang iyong doktor o parmasyutiko upang ipaliwanag ang anumang parte na hindi mo naintindihan. Uminom ng ferrous sulfate ng eksakto sa idinirekta sa iyo ng iyong doktor. Bagaman ang mga sintomas ng kakulangan sa iron ay kadalasang gumagaling sa loob ng ilang araw, ikaw ay maaaring uminom ng ferrous sulfate sa 6 na buwan kung ikaw ay mayroong malubhang kakulangan sa iron. Ang medikasyong ito ay nararapat na inumin ng walang-kain, ng halos 1 oras bago o 2 oras pagkatapos kumain. Ang Ferrous sulfate na pampatak ay may kasama namang espesyal na gamit pampatak para sa pagtantya ng bilang ng dosis. Tanungin ang iyong parmasyutiko upang maipakita sa iyo kung paano ito gamitin. Ang mga patak ay maaaring ipatak direkta sa bunganga o nakahalo sa tubig o fruit juice (hindi kasama ng gatas). Huwag durugin o nguyain ang regular, nakabalot, o pinahabang-pagkalat ng gamot sa katawan na mga tableta, at huwag buksan ang regular o pinahabang-pagkalat ng gamot sa katawan na mga kapsula; lunukin sila ng buo. ...


Side Effect:

Ang mga epekto ay maaaring kasama: konstipasyon; kabagabagan ng tyan; maitim o kulay-itim na dumi; o di-pangmatagalang paglamlam ng ngipin. Ang Ferrous Sulfate ay maaaring magdulot ng mga epekto. Ang iyong mga dumi ay magiging mas maitim; ang epektong ito ay hindi mapanganib. Ang iyong ngipin ay maaaring lumamlam mula sa likido; ihalo ang bawat dosis sa tubig o fruit juice. Maaari mong linisin ang iyong ngipin isang beses sa isang linggo sa pamamagitan ng pag kuskos sa kanila ng kaunting dami ng baking soda. ...


Precaution:

Bago uminom ng ferrous sulfate, ipagbigay-alam muna sa iyong doktor o parmasyutiko kung ikaw ay alerdyi sa ferrous sulfate, anumang iba pang medikasyong ‘tartrazine’ (dilaw na tinta sa ibang mga prosesong pagkain at gamot) o alinman sa mga sangkap ng mga tableta ng ferrous sulfate, kapsula, o likido. Tanungin ang iyong doktor o parmasyutiko para sa mga listahan ng mga sangkap. Sabihin sa iyong doktor at parmasyutiko kung anong mga inireseta at di-niresetang gamot, bitamina, mga nutrisyunal na suplemento, at erbal na mga produkto ang iyong ginagamit o planong inumin, tulad ng:‘chroramphenicol’, ‘cimetidine’, ‘levodopa’, ‘methyldopa’, ‘penicillamine’. Ang iyong doktor ay maaaring mangailangang palitan ang dosis ng iyong mga medikasyon o subaybayan ka ng mas mabuti para sa mga epekto. Huwag iminom ng mga ‘antacid’ ng parehong oras tulad ng ferrous sulfate; inumin sila ng magkahiwalay hanggat maaari. Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay mayroon o nagkaroon na ng mga ulser, kolitis, o sakit sa bituka; sobra-sobra sa iron na sakit; anemyang hemolytic (kakulangan sa pulang selula ng dugo); porphyria (natural na enzyme na sakit na nagdudulot ng mga sintomas na nakakaapekto sa balat o sistema sa nervs); thalassemia (natural na sakit ng pulang selula ng dugo); kung ikaw ay alkoholik; o kung ikaw ay nakatanggap ng regular na pagsasalin ng dugo; kung ikaw ay buntis, planong mag buntis, o nagpapasuso. Kung ikaw ay nagdadalang-tao habang umiinom ng ferrous sulfate, tawagan ang iyong doktor. Mga mas nakakatanda ay nararapat lang uminom ng mas mababang dosis ng ferrous sulfate dahil ang mas mataas na dosis ay maaaring hindi maging epektibo kaysa sa mas mababang dosis at ay mas malamang na magdulot ng konstipasyon. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».