Feverfew

Unknown / Multiple | Feverfew (Medication)

Desc:

Ang Feverfew ay kilala rin sa tawag na 'tanacetum parthenium', 'featherfew', 'bachelor’s button', 'flirtwort', 'altamisa', 'featherfoil', 'febrifuge plant', 'midsummer daisy', 'nosebleed', 'santa maria', 'wild chamomile', at 'wild quinine'. Ginagamit ang Feverfew upang mapigilan ang pagsakit/sumpong ng migraine. Itong Feverfew ay ginagamit rin sa pag-iwas at paggamot ng hika, rheumatoid arthritis, masakit na pagreregla, pamamaga ng kondisyon ng balat tulad ng soryasis, sakit sa ngipin, at kagat ng mga insekto. ...


Side Effect:

Maaaring magdulot ang Feverfew ng reaksyong alerdyi, lalo na sa mga taong alerdyi sa mansanilya, ragweed, o yarrow. gamot na nonsteroidal anti-inflammatory, katulad ng ibuprofen o naproxen ay nakakabawas ng epekto ng feverfew. Isang kondisyon na tinatawag na ‘post-feverfew syndrome’ ay nagpapakita ng mga sintomas ng pagsakit ng ulo, pagkanerbyos, di pagkatulog, paninigas, sakit sa kasu-kasuan, at kapaguran. Kayang mapinsala ng Feverfew ang takbo ng normal na mga elemento ng platelets. Ito ay dapat na iwasan sa mga pasyenteng umiinom ng gamot upang maiwasan ang pamumuo ng dugo (anticoagulants) tulad ng warfarin. ...


Precaution:

Huwag kumuha ng feverfew nang wala pang ugnayan sa’yong doktor. Kung ikaw ay mayroong pagdurugo o sakit sa paghilom kung ikaw ay umiinom ng gamot upang maiwasan ang blood clots; o kung ikaw ay umiinom pa nang iba pang gamot, herbal, antioxidants, o suplementong pangkalusugan (ito ay maaari ring makaapekto sa blood clotting). Ang Feverfew ay maaaring maka apekto sa panahon na gugugulin nito para maghilom ang iyong dugo. Lahat ng potensyal na panganib at/o kapakinabangan ng feverfew ay baka hindi malaman. Bilang karagdagan, walang nagkokontrol sa pamantayan ng pagmamanupaktura sa mga lugar para sa mga materyal na ito. May mga pagkakataon kung saan naibenta ang mga herbal/suplementong pangkalusugan na nahawahan ng mga nakakalason na metal o iba pang mga gamot. Mga herbal/suplementong pangkalusugan ay dapat bilhin sa mga maaasahan na mapagkukunan upang mabawasan ang peligro ng kontaminasyon. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».