Finacea
Bayer Schering Pharma AG | Finacea (Medication)
Desc:
Ang Finacea ay isang topikal na gel na naglalaman ng ‘azelaic acid’, na natural na nagaganap na acid. Ang Azelaic Acid ay nakakatulong sa balat upang muling baguhin nito ang kanyang sarili ng mas mabilis at nang sagayon mabawasan ang tigyawat at pamumuo ng mga blackhead. Nakakatulong rin ito upang patayin ang mga bakterya na nagdudulot ng tigyawat at rosacea. Ginagamit ang Fincacea upang gamutin ang katamtaman hanggang moderatong rosacea (isang kondisyon sa balat na minarkahan ng mga pulang pagputok, kadalasan sa pisngi o sa ilong). Ang medikasyon na ito ay para lamang gamitin sa balat. Linisin ang apektadong parte ng may katamtamang sabon o walang sabon na pang-linis at punasan ito. Maglagay ng manipis na dami ng gamot kadalasan dalawang beses araw-araw, o gamitin ito ng ayon sa dinirekta sa’yo ng iyong doktor. Banayad na hilutin ang gamot sa apektadong parte. Hugasan ng maigi ang iyong kamay matapos ang paglalagay. ...
Side Effect:
Nasusunog, mahapdi, nanginginig o makating balat ay maaaring mangyari sa kalagitnaan ng mga unang lingo, ngunit mawawala rin habang isinasaayos ng gamot ang iyong katawan. Sobra-sobrang pagtubo ng buhok sa mukha ay bibihirang mangyari. Kung alinman sa mga epektong ito ay nagpatuloy o lumala, abisuhan kaagad ang iyong doktor o parmasyutiko. Ang gamot na ito ay di-kadalasang nagdudulot ng abnormal na pagbabago ng kulay ng balat (hypopigmentation). Mga maiitim na kulay na mga balat ng mga indibidwal ay maaring magkaroon ng mas kapansin-pansing pagputi ng balat. Kumonsulta sa ‘yong doktor o parmasutiko para sa mga payo at iulat ang mga pagbabagong ito kung nangyari man. Kaagad na ipaalam sa iyong doctor kung ito ay malamang ngunit seryosong mga epekto ang naganap: lumalang sipon o mga bulutong lagnat (oral na herpes). Sabihin agad sa ‘yong doktor kung ito ay lubos na malabong mangyari ngunit lubhang seryong mga epekto ang naganap: lumalang mga sintomas ng asthma (hal. , pagtaaas ng hirap sa paghinga, pagtaas ng paggamit ng mabilis na pagpapagaang inheylers). Humingi ng agarang atensyong medical kung ikaw ay nakararanas ng alinman sa mga sintomas ng seryosong reaksyong alerdyi na maaaring kasama ang: pantal, pangangati/pamamaga (lalo na ng mukha/dila/lalamunan), lubhang pagkahilo, o problema sa paghinga. ...
Precaution:
Marapat na huwag kang gumamit ng Finacea kung ikaw ay alerdyi sa azelaic acid o propylene glycol. Iwasan kumalat ang Finacea sa ‘yong mga mata, ilong, bibig, tumbong, o puki. Huwag gumamit kapag na sunburn, windburn, nanunuyo, chapped, nairita, o sirang balat. Antayin hanggang ang mga kondisyong ito ay gumaling bago gamitin ang medikasyong ito. Huwag takpan ang parte matapos ang pagaaply ng Finacea. Paggawa nito ay maaaring magdulot ng sobrang medisina na iaabsorba ng iyong katawang at may posibilidad na maging mapanganib. Ito ay tumatagal lang ng 4 na linggo o mas matagal pa bago gumaling ang mga sintomas. Panatilihin ang paggamit ng Finacea tulad ng dinirekta at ipagbigay-alam sa ‘yong doktor kung ang iyong mga sintomas ay hindi gumagaling matapos ng 12 linggo ng paggagamot. Kung ikaw ay mayroong sobra-sobrang nasusunog, nanunuyo, o iritasyon, tanungin sa iyong doctor ang tungkol sa paggamit ng Finacea ng isang beses kada araw. ...