Flexeril

Janssen Pharmaceutica | Flexeril (Medication)

Desc:

Ang Flexeril/Cyclobenzaprine ay pampakalma ng kalamnan. Ito ay ginagamit kasama ang pahinga at pisikal na terapy upang gamutin ang mga kondisyon ng skeletal masel tulad ng sakit o pinsala. Inumin ang gamot na ito ng direkta sa bunganga, kasabay ng paginom ng isang baso ng tubig, na itinuro/payo sayo ng iyong doktor para sa ‘yong kondisyon. And dosis ay base sa iyong kondisyong medikal at tugon sa paggagamot. ...


Side Effect:

Karaniwan, ang Flexeril ay maaaring maging sanhi ng tuyong bibig o lalamunan; malabong paningin; pagkaantok, pagkahilo, pagod na pakiramdam; kawalan ng ganang kumain, sakit sa tiyan, pagduduwal; pagtatae, konstipasyon, gas o panghihina ng kalamnan, Kung alinman sa mga ito ang nagpatuloy o lalong lumala, ipagbigay-alam ito sa’yong doktor. Karamihan ay bibihira, ngunit matinding mga epekto ang: reaksyong alerdyik – pantal (rash), pangangati, hirap sa paghinga, pagsasara ng lalamunan, pamamaga ng mga labi, sakit na kumakalat sa braso o balikat, pagduduwal, pagpapawis, kabuuang di kaaya-ayang pakiramdam; biglaang pamamanhid o panghihina, lalo na sa kabilang bahagi ng katawan; biglaang sakit sa ulo, pagkagulumihanan, problema sa paningin, pananalita, o balance; nahihilo, nahihimatay; kulang sa koordinasyon; sakit sa tiyan, mababang lagnat, kawalan ng ganang kumain, mala-chaang ihi, kulay-luwad na dumi, paninilaw; mga kombulsyon; di pangkaraniwang pagiisip o paguugali, halusinasyon o madaling magkapasa o pagdurugo o di karaniwang paghina. Kung ikaw ay nakapansin ng alinman sa mga ito, humingi ng agarang tulong pang medikal. ...


Precaution:

Bago gamitin ang medisinang ito, ipaalam muna sa’yong doktor kung ikaw ay may kahit anong alerdyi. Sabihan ang iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng iba pang medisina at kung ikaw ay mayroon o nagkaroon na ng alinman sa mga sumusunod na kondisyon: karamdaman sa pagtibok ng puso; pagpalya ng puso o panghihina ng puso; harang sa puso; o sobrang aktibong teroydeo; problema sa pag-ihi; malaking prosteyt; glawkoma; o sakit sa atay. Dahil ang Flexeril ay maaring magdulot ng pagkahilo at pagkaantok, Huwag magmaneho, at magpatakbo ng mabibigat na makinarya, o gawin ang anuman na maaaring mapanganib hanggang sa makasigurong kayang gawin ito ng ligtas. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ay hindi inirerekumenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».