Alosetron
Prometheus Laboratories | Alosetron (Medication)
Desc:
Ang Alosetron ay isang gamot upang gamutin ang irritable bowel syndrome (IBS) sa mga babaeng nagtatae bilang kanilang pangunahing sintomas. Ang gamot na ito ginagamit lamang sa mga matinding kaso ng IBS na hindi tumugon sa ibang terapiya upang bawasan ang mga sintomas at hindi bilang lunas. Hinaharangan ng Alosetran ang aksyong ng serotonin sa bituka, binabawasan ang mga namumulikat na sakit ng tiyan, hindi kaginhawasan ng tiyan, urgency at pagtataeng sanhi ng IBS. ...
Side Effect:
Katulad ng kahit anong gamot, ang Alosetran ay pwedeng magsanhi ng mga epekto, at ang pinakakaraniwan ay konstipasyon. Ang ibang hindi masyadong epekto ay may kasamang: sakit o pagkalambot ng tiyan, lagnat, mga pulikat ng tiyan, matubig o madugong pagtatae, o pagdudugo mula sa pwet. Kung alinman sa mga ito ang tumagal o lumala, tawagan ang iyong doktor. Kung ikaw ay mayroong kahit alinman sa mga sumusunod na kondisyon, humingi ng tulong medikal: hirap sa paghinga; pamamantal; pamamaga ng iyong mukha, mga labi, dila, o lalamunan; mga sumpong; mga problema sa kontrol o koordinasyon ng kalamnan, tulad ng pagkalampa o pangangatog. ...
Precaution:
Bago gamitin ang Alosetran, ipabaalam sa iyong doktor kung ikaw ay hindi hiyang sa gamot na ito o kung ikaw ay may kahit anong alerhiya. Ibigay din sa iyong doktor ang impormasyon tungkol sa iyong kasaysayang medikal, lalo na kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng kahit anong mga sumusunod na kondisyon: problemang pamumuo ng dugo, konstipasyon, diverculitis, inflammatory bowel na sakit tulad ng sakit ni Chron o ulseratibong kolaitis, ibang mga pambitukang problema, iskemik na kolaitis, tromboplebitis, o mga problema sa atay. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...