Fluconazole
Sanofi-Aventis | Fluconazole (Medication)
Desc:
Ang Fluconazole ginagamit upang maiwasan at gamutin ang iba’t -ibang uri ng fungal at yeast na impeksyon. Ito ay kabilang sa klase ng drogang tinatawag na ‘azole antifungals’. Ito ay gumagana sa pamamagitan ng pagtigil nito sa paglaki ng tiyak ng uri ng fungus. Ginagamit ang Fluconazole para sa paggamot ng ‘cryptococcal meningitis’, at pagpigil ng ‘Candida na mga impeksyon’ sa mga pasyenteng nagamot nang kemoterapya o radyasyon matapos ang pagsalin ng utak ng buto o bone marrow transpant. ...
Side Effect:
Ang gamot na ito ay bibihirang magdulot ng seryosong sakit sa atay. Humingi ng agarang tulong pangmedikal kung ikaw ay nagkaroon ng anumang senyales ng sakit sa atay kasama ang: matinding sakit sa tyan, walang humpay na pagduduwal/pagsusuka, paninilaw ng mga mata/balat, maitim na ihi, di-karaniwang kapaguran. Pagduduwal, pagsusuka, pagtatae, kabaga-bagan ng sikmura, sakit sa ulo, pagkahilo, o kawalan ng buho ay maaaring mangyari. Kung alinman sa mga ito ang nagpatuloy o lumala, sabihin ito sa yong doktor o parmasyutiko kaagad. ...
Precaution:
Sa panahon ng pagbubuntis, ang gamot na ito ay dapat lamang gamitin kung malinaw na kinakailangan. Ito ay maaaring makabigay ng peligro sa hindi pa naisisilang na sanggol kung nainom ito na mas maraming dosis kada araw sa kalagitnaan ng 3 buwan ng pagbubuntis. Bago uminom ng fluconazole, sabihin muna sa iyong doktor o parmasyutiko kung ikaw ay may alerhiya sa ‘azole antifungal na droga (tulad ng ketoconazole, itraconazole)’ o kung ikaw ay may iba pang mga alerdyi. Bago gamitin ang fluconazole, ipagbigay-alam muna sa ‘yong doktor o parmasyutiko ang lahat ng mga gamot na iyong ininom at kung ikaw ay mayroong anuman sa mga sumusunod na kondisyon: tiyak na problema sa puso (pagpalya ng puso, mabagal na pagtibok ng puso, QT prolongation in the EKG), tiyak na kasaysayan ng problema sa puso ng pamilya (QT prolongation in the EKG, biglaang pagkamatay sa cardiac). ...