Fludara

Genzyme | Fludara (Medication)

Desc:

Ang Fludara/Fludarabine ay isang gamot pang-kemoterapya na kadalasang ibinibigay upang gamutin ang pauli-ulit na ‘lymphocytic leukaemia’ (CLL). Ito rin ay maaaring magamit panggamot ng ibang mga uri ng di-Hodgkin na lymphoma. ...


Side Effect:

Tawagan ng minsanan ang iyong doktor kung ikaw ay mayroong seryosong epekto tulad ng: senyales ng impeksyon tulad ng lagnat, panginginig, sakit ng lalamunan, sintomas ng trangkaso, madaling magkapasa o pagdurugo (pagdurugo ng ilong, pagdurugo ng gilagid), kawalan ng gana sa pagkain, pagduduwal at pagsusuka, mga sakit sa bibig, o di-pangkaraniwang panghihina; pamumutla o paninilaw ng balat, maitim na kulay ng ihi; pag-ubo ng kulay dilaw o berdeng uhog, tumutusok na pananakit ng dibdib, pakiramdam ng kulang sa paghinga; maitim, madugo, o maitim na dumi; pag-ubo ng dugo; pananakit ng mababang parte ng likod, dugo sa ihi; pag-ihi ng mas kakaunti sa karaniwan o hindi pag-ihi; pamamanhid o makating sensasyon sa paligid ng bibig, mabilis o mabagal na pagtibok ng puso, mahinang pulso, hinihimatay; kahinaan ng kalamnan, masikip, o mga kontraksyon, sobrang aktibong mga pag galaw ng kalamnan; pagkaantok, pagbabago ng kalagayan, nadagdagang pagka-uhaw, pamamaga, mabilis na pagdagdag ng timbang; problema sa paningin, sakit sa ulo o panankit sa likod ng mga mata, pagbabago ng ugali, pagka-tuliro, pagkainis, mga atake (mga kombulsyon); o matinding pagpaltos, pamamalat, at pulang pantal sa balat. Di-gaaano kaseryosong mga epekto ay maaaring kasama: bahagyang pagduduwal, kawalan ng gana kumain, pagtatae; bahagyang pangangati o pantal sa balat; sakit sa ulo; pananakit ng kalamnan; o pagod na pakiramdam. HUmanap ng agarang atensyong medikal kung ikaw ay nakararanas ng alinman sa mga sintomas ng seryosogn reaksyong alerdyi na kasama: pantal, pangangati/pamamaga (lalo na sa mukha/dila/lalamunan), lubhang pagkahilo, problema sa paghinga. ...


Precaution:

Bago gumamit ng Fludara, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong anumang alerhiya at kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng alinman sa mga sumusunod na kondisyong medikal: kasalukuyang mga impeksyon, tiyak na sakit sa birus (herpes, chichkenpox), sakit sa dugo (hal. , anemya, problema sa pamumuo ng dugo), problema sa kidney. Walang panlaban/bakuna nang walang payo ng iyong doktor, at iwasan ang pakikisalamuha sa mga tao na mayroong kamakailan-lamang natanggap na bakuna sa polio na pinapainom o bakuna sa trangkaso na nilalanghap mula sa ilong. Maiging maghugas ng mga kamay upang maiwasan ang pagkalat ng impeksyon. Mga mas nakatatandang tao ay maaaring nasa mas mataas na panganib ng mga epekto (hal. , impeksyon, pagdurugo) habang ginagamit ang gamot na ito. Ang gamot na ito ay di-nirerekumenda na gamitin sa kalagitnaan ng pagbubuntis. Ito ay maaaring makasama sa dipa naisisilang na sanggol. Upang makaiwas sa pagbubuntis, parehong lalaki at babae na gumagamit ng gamot na ito ay dapat gumamit ng tamang uri ng pansupil sa panganganak (hal. , pang-kontrol sa kapanganakang pills, condoms) sa kalagitnaan ng paggagamot at sa 6 na buwan matapos ang paggagamot ay natapos. Kumonsulta sa iyong doktor para sa mga detalye at upang makapag-usap ng mas epektibo sa mga uri ng pang-kontrol ng kapanganakan. Hindi pa naaalam kung ang medikasyong ito ay napapasa sa gatas ng ina. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».