Flumazenil - injection

Pfizer | Flumazenil - injection (Medication)

Desc:

Ang Flumazenil ay nagpapabaliktad ng mga epekto ng tiyak na mga uri ng gamot-pampakalma mula sa ‘benzodiapezine (ben-zo-dye-AYZ-e-peen)’ na grupo ng mga droga. Ginagamit ang Flumazenil upang baliktarin ang mga pampakalmang epekto ng ‘benzodiapezine’ kapag ginagamit sa kalagitnaan ng operasyon o iba pang medikal na gawain. Ginagamit rin ang Flumazenil sa paggamot ng labis na dosis ng ‘benzodiazepine’. ...


Side Effect:

Sakit sa ulo, pagpapawis, iritasyon sa lugar na pinagturukan, panlalabo ng paningin, pamumula/pag-init ng mukha, pagduduwal, pagsusuka o pagka-hilo ay may posibilidad na maganap. Kung alinman sa mga epektong ito ay nagpatuloy o naging nakaka-abala na, abisuhan ang iyong doktor. Kaagad na sabihan ang iyong doktor kung ikaw ay nagkaroon ng: mabilis na pagtibok ng puso, pantal sa balat, pagbabago ng kalagayan, iritable, pagkabagabag, pagkatuliro ng utak, pagiging nerbyoso, hindi makontrol na panginginig sa anumang parte ng katawan, di-normal/magalaw na paggalaw ng mga kalamnan, depresyon. ...


Precaution:

Iwasang uminom ng anumang inuming alkohol o alinmang mga inireseta o di-niresetang panggamot ng halos isang araw maliban kung dinirekta sa iyong gawin ito ng iyong doktor. Maging maalam na ang pagpapakala ay maaaring tumagal at ang iyong memorya at pagdedesisyon ay maaaring mapahina ng mga isang araw. Nang sa gayon, iwasan ang pagmamaneho at huwag gawin ang mga gawaing nangangailangan ng ibayong pag-iingat hanggang sa hindi kana makaramdam ng pagkahilo. Kung ikaw ay nakararanas ng iba pang epektong di-nakalista sa itaas, tawagan ang iyong doktor o parmasyutiko. Bago gumamit ng medisinang ito ipaalam sa iyong doktor o kung ikaw ay mayroong anumang uri ng mga alerhiya. Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng iba pang medisina at kung ikaw ay mayroon o nagkaroon na ng alinman sa mga sumusunod na kondisyon: sakit sa kidney, kolitis, o mga problema sa tiyan. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ay hindi inirerekumenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».