Fluoride
American Home Products Corporation | Fluoride (Medication)
Desc:
Ang fluoride ay isang kemikal na ‘ionfound’ na natural sa tubig, pagkain, lupa, at maraming mga mineral tulad ng ‘fluorite’ at ‘fluorapatite’. Ginagamit ang fluoride upang maiwasan ang pagkabulok ng ngipin. Napaka-kapaki-pakinabang ng fluoride para sa pag-iwas sa mga lukab at pagpapatibay ng ngipin, ngunit ang pagiging epektibo nito ay mahahadlangan kung nabuo na ang isang lukab. Nagmumula sa isang likido, tableta, at tsuwabol na tableta ang fluoride na iniinom ng direkta sa bunganga at dapat gamitin nang eksakto tulad ng itinuro ng iyong doktor. ...
Side Effect:
Kabilang sa mga kinakailangang epekto nito, ang Fluoride ay maaari ring maging sanhi ng mga epekto tulad ng: paglamlam ng ngipin; hindi pangkaraniwang pagdami ng laway; maalat o may sabon na lasa; sakit sa tyan; masakit ang tiyan; pagsusuka; pagtatae; pantal; kahinaan; panginginig; mga sumpong. Kung ang alinman sa mga ito ay nagpatuloy o nagging mas matindi pa at kung napansin mo ang anumang iba pang hindi pangkaraniwang sintomas, agad na humingi ng tulong pangmedikal. Bibihirang reaksiyong alerdyi ay maaaring mangyari. Kasama sa mga sintomas ang pagduwal, pagsusuka ng dugo, pagtatae, sakit sa tiyan, paglalaway, pagluluha ng mata, pangkalahatang kahinaan, mababaw na paghinga, pagkahilo, pagkapagod, at mga kombulsyon. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito ipaalam sa iyong tagabigay ng pangangalaga ng kalusugan kung mayroon kang anumang uri ng mga alerdyi. Sabihin sa iyong doktor o parmasyutiko kung gumagamit ka ng iba pang gamot at kung mayroon kang anumang karamdaman, o kung ikaw ay buntis o nagpapasuso. Huwag kumain o uminom ng mga produkto ng pagawaan ng gatas 1 oras bago o 1 oras pagkatapos gumamit ng fluoride. ...