Fluorinse
Oral-B Laboratories | Fluorinse (Medication)
Desc:
Ang Fluorinse/Sodium Fluoride ay isang substansiyang nagpapatatag ng mga enamel sa ipin. Ito ay tumutulong maka-iwas ng mga lukab sa ngipin. Ang Fluorinse ay ginagamit na panggamot upang maiwasan ang pagkabulok ng ipin sa mga pasyente na mayroong mababang lebel ng ‘fluoride topical’ sa kanilang tubig na iniinom. Ang Fluorinse ay ginagamit rin upang mapigilan ang pagka-bulok ng ipin sa mga pasyenteng sumailalim sa radyasyon sa ulo at/o leeg, na maaaring makapag-dulot ng panunuyo ng bunganga at labis na insidente sa pagkabulok ng ipin. ...
Side Effect:
Sabihin kaagad sa iyong dentista/doktor kung ikaw ay nakararanas ng anumang pagbabago sa kulay o hitsura ng iyong ngipin. Itong mga epektong ito ay maaaring magresulta sa labis na fluoride. Isang napakaseryosong reaksyong alerdyi sa gamot na ito ay bibihira. Ngunit, humanap ng agarang atensyong medical kung nakakapansin ng anumang sintomas ng isang seryosong reaksyong alerdyi, kasama ang: pantal, pangangati/pamamaga (lalo na sa mukha/labi/lalamunan), lubhang pagkahilo, hirap sa paghinga. ...
Precaution:
Ang Fluoride na topical ay di-dapat gamitin kung ang lebel ng fluoride sa tubig na iniinom ay sobra pa sa 0. 7 na parte kada milyon (ppm). Bago gumamit ng Fluorinse/Sodium Fluoride, sabihin sa iyong dentista at doktor kung ikaw ay nasa mababang asin o walang asin na diyeta. Ikaw ay maaaaring di makagamit ng ‘fluoride topical’, o ikaw ay maaaring mangailangan ng espesyal na pagsusuri habang ikaw ay gumagamit nito. Huwag kumain, uminom, o magmumog ng iyong bunganga sa 30 minuto matapos nang paggamit ng Fluorise. Huwag kainin ito. Idura ito matapos ang paggamit. Huwag hayaan ang bata na makain ang Fluorise o seryosong sobrang dosis na sintomas ang magreresulta dito. Ang sobrang dosis na sintomas ay maaaring magresulta kung hinayaan mong makakain ng madaming fluoride habang ginagamit ito. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ay hindi inirerekumenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor. ...