Fluoxetine

Dr. Reddy Laboratories | Fluoxetine (Medication)

Desc:

Ang Fluoxetine ay isang ‘selective serotonin reuptake inhibitors antidepressant’. Ang Fluoxetine ay ginagamit sa paggamot ng malalaking sakit sa depresyon, labis na pagkain (sakit sa pagkain) sakit na obsesyong-mapilit, sakit sa pagkapanic, at bago magmes na dysphoriic na sakit (PMDD). Kasamang medikasyon ng Fluoxetine ay tinatawag na olanzapine, ginagamot din nito ang depresyong dulot ng bipolar na sakit (manic na depresyon). ...


Side Effect:

Maaaring makapagdulot ang Fluoxetine ng mga epekto tulad ng: sintomas ng pagsipon tulad ng baradong ilong, pagbahing, sakit ng lalamunan, pagka-antok, pagkahilo, pakiramdam ng ninenerbyos, bahagyang pagduduwal, pagkabagabag ng sikmura, konstipasyon, tumaas sa gana ng pagkain, pagbabago ng timbang, problema sa pagtulog (insomnia); bumabang gana sa pakikipag seks, kawalan ng lakas, o hirap sa pagorgasm; o tuyong bibig. Maraming mga malubhang kabaliktarang reaksyon ay kasama: pagbabago ng kalagayan o pagkilos, pagkabalisa, pagatake ng panic, hirap sa pagtulog, pabigla-bigla, pagkairitable, pagkainis, magagalitin, di mapakali, sobrang aktibo, matinding pagkapaltos, pamamalat, at pulang balat; grabeng matigas na kalamnan, mataas na lagnat, pagpapawis, mabilis o di parehong pagtibok ng puso, panginginig, sobrang aktibong mga paggalaw ng kalamnan; pagduduwal, pagsusuka, pagtatae, kakulangan ng gana sa pagkain, kahinaan, pagkatuliro, halusinasyon, hinihimatay, atake, mababaw na hininga o hiningang tumitigil-tigil. ...


Precaution:

Bago gamitin ang medisinang ito sabihan ang iyong doktor kung ikaw ay mayroong anumang uri ng alerhiya. Ipagbigay-alam sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng ibang medisina at kung ikaw mayroon o nagkaroon ng alinman sa mga sumusunod na kondisyon: sirosis ng atay; sakit sa kidney; dyabetis; pagatake o epilepsy; bipolar na sakit (manic na depresyon); o kasaysayan ng pag-abuso sa droga o pag-iisip ng pagpapakamatay. Dahil ang Fluoxetine ay maaaring makapagdulot ng pagkahilo at pagka-antok, huwag magmaneho at gumammit ng mga mabibigat na makinarya hanggang sa makasigurong magagawa ang mga aktibidad na ito ng ligtas. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ay hindi inirerekumenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».