Flutamide
Unknown / Multiple | Flutamide (Medication)
Desc:
Ang panggamot na ito ay ginagamit upang gamutin ang mga kalalakihang may kanser sa prosteyt, at ginagamit kasama ng iba pang panggamot at kung minsan ay nang may kasamang radyasyon na panggagamot. Ang Flutamide ay kabilang sa klase ng mga droga na kilala sa tawag na kontra-androgens (kontra-testosteron). Ang Testosterone, ay natural na hormon, tinutulungan ang prosteyt kanser upang lumaki at kumalat. Ang Flutamide naman ay gumagana sa pamamagitan ng pagharang sa mga epekto ng testosterone, nang sa gayon pinapabagal nito ang paglaki at pagkalat ng kanser sa prosteyt. ...
Side Effect:
Sa mga bibihirang kaso, ang flutamide ay nakapagdudulot ng lubhang pagkasira sa atay na nagreresulta sa kamatayan o pagpapaospital. And seryosong mga epekto ay maaaring kasama: pagduduwal, pagsusuka, sakit sa tyan, di-pangkaraniwang kapaguran, kawalan ng ganang kumain, mga sintomas na katulad ng trangkaso, paninilaw ng balat o mata, pangangati, kulay-luwad na dumi, o kulay-tsaang ihi. Ang mga sintomas na ito ay maaaring unang mga senyales ng pagkasira ng atay. Ang mga di-gaano kaseryosong mga epekto ay maaaring mangyari, tulad ng: pamumula ng mukha/pag-init; pagtatae; pantal; pagtaas ng pagkasensitibo sa araw; kawalan ng gana sa seks; nabawasang lakas sa paggawa ng mga sperm; lumalaking suso; kulay amber o maberdeng pagkulay ng ihi; pagdurugo ng tumbong o pamamaga, o dugo sa ihi. Humanap emerhensiyang atensyong medical kung ikaw ay nakararanas ng mga reaksyong alerdyi (hirap sa paghinga; pagsara ng lalamunan; pamamaga ng labi, dila, o mukha, o mga pantal). ...
Precaution:
Bago uminom ng flutamide, sabihin muna sa iyong doktor kung ikaw ay naninigarilyo; may sakit sa atay; may kakulangan sa ‘glucose-6-phosphate dehydrogenase’, o mayroong kakulangan ng sapat na ‘hemoglobin M’. Ikaw ay maaaring di-makainom ng flutamide, o maaaring mangailangan ng pagbabago sa dosis o espesyal na pagsubaybay habang ginagamot kung ikaw ay mayroong anuman sa mga kondisyong nakalista sa itaas. ...