Focalin
Novartis | Focalin (Medication)
Desc:
Ang Focalin/Dexmethylphenidate ay banayad na pampasigla sa gitnang sistema ng nerbs na ginagamit sa paggamot ng kakulangan sa pansin na sobrang aktibong sakit (ADHD). Ito ay gumagana sa pamamagitan ng pagpataas ng iyong abilidad upang making, at mag pokus sa isang aktibidad, at makontrol ang mga problema sa pagkikilos. At maaari ring makatulong sa iyo upang maisaayos mo ang iyong mga gawain at mapabuti ang pakikinig. Ito ay isang niresetang gaot lamang at hindi dapat inumin ng dalawang beses sa isang araw, o tulad ng idinirekta ng iyong doktor sa iyong kondisyon. And dosis ay base sa iyong kondisyong medical at pagtugon sa paggamot. ...
Side Effect:
Ang Focalin, tulad ng kahit anong medisina, ay nakakapagdulot ng mga epekto. Problema sa pagtulog (insomnya); kawalan ng gana sa pagkain; kabagabagan ng tyan; pakiramdam ng walang kapahingahan, kabagabagan, o pagiging masungit/pagkanerbyos; panunuyo ng bibig, pamamagang lalamunan; o sakit sa ulo ay ang mga karaniwan. Kung alinman sa mga ito ay nagpatuloy o lumala, tawagan ang iyong doktor. Sa lahat ng mga reaksyong alerdyi – pantal, pangangati, o mga pantal, mas marami pang malubhang mga epekto ay kabilang: mapanganib na pataas ng presyon sa dugo ng may kasamang malubhang sakit sa ulo, paglabo ng mga mata, pagtunog sa mga tainga, sakit sa dibdib, pamamanhid, atake; mabilis o di-balanseng tibok ng puso; panlalabo ng mga mata o iba pang pagbabago sa paningin; di-pangkaraniwang pagbabago sa kalagayan/ugali, pagkatuliro, o paggalaw ng mga kalamnan na atake. Kung ikaw nakakapansin ng alinman sa mga ito humanap ng agararang tulong pangmedikal. ...
Precaution:
Bago gumamit ng medisinang ito abisuhan ang iyong doktor kung ikaw ay may anumang mga alerhiya; kung ikaw ay gumagamit ng ibang medisina at kung ikaw ay mayroon o nagkaroon na ng alinman sa mga sumusunod na kondisyon: mataas na presyon ng dugo, glawkoma, problema sa puso, mga kondisyon sa mental o kalagayan, lalo na sa kabagabagan, tension, at pagkabalisa, personal o kasaysayan ng pamilya sa pagkakaroon ng problema sa mental o kalagayan tulad ng ‘sakit na bipolar’, ‘depresyon’, o ‘sikosis’, ‘paggalaw ng mga motor sa katawan’, ‘tourrette’s syndrome’, ‘hyperthyroidim’, o sakit sa pag-atake. Dahil ang Focalin ay nakakapagdulot ng pagkahilo at pagka-antok, huwag magmaneho at gumamit ng mga mabibigat na makinarya hanggang sa makasigurong kaya mo itong maisagawa ng ligtas. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ay hindi inirerekumenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor. ...