Follitropin beta - injection
Unknown / Multiple | Follitropin beta - injection (Medication)
Desc:
Ang medikasyong ito ay naglalaman ng hormon (FSH) at ginagamit sa paggamot ng mga tiyak na problema sa kakayahan makabuo ng bata sa mga kababaihan at sa kalalakihan. Sa mga kababaihan, nakakatulong itong magpalakas ng malulusog na mga obaryo upang maka gawa ito ng mga itlog. And medikasyong ito ay karaniwang ginagamit ng kombinasyon kasama ang iba pang hormone (hCG) upang makapagdala ng tungkol sa paglaki at paglabas ng mga matyur na itlog (obulasyon). Sa mga kalalakihan, nakakatulong itong magpalakas ng malulusog na bayag upang maka gawa ng tamud. Ito rin ay ginagamit na kombinasyong sa Hcg. Ang medikasyong ito ay di-nirerekumenda sa mga kababaihan na ang obaryo ay di na nakakagawa ng maayos na mga itlog (primarying pagpalya ng obaryo) o para sa mga kalalakihan na ang bayag ay hindi na maayos nakakagawa ng tamud. ...
Side Effect:
Sakit sa ulo, sakit sa tyan, paglaki ng tyan, pamumula/sakit sa pinaginiksyonang banda, pagsakit/laki ng suso, o pagkahilo ay maaring mangyari. Kung alinman sa mga epektong ito ang nagpatuloy o lumala, kaagad na abisuhan ang iyong doktor o parmasyutiko. Tandaan na ang iyong doktor ay niresetahan ka ng gamot na ito dahil tinimbang nya muna na mas marami kang matatamong benepisyo rito kaysa sa mataas na posibidad ng mga epekto. Maraming mga tao ang gumagamit ng medikasyong ito at walang seryosong mga epekto. Kaagad na sabihin sa iyong doktor kung alinman sa mga ito ay malamang ngunit seryosong mga epekto ang nangyari: pagdurugo sa puki/ihi, mga sintomas ng katulad sa trangkaso (hal. , lagnat, panginginig, pagsakit ng mga kalamnan, kapaguran). Sabihin sa iyong doktor kaagad kung alinman sa mga ito ang bibihira ngunit seryosong mga epekto ang naganap: biglaang pagsakit ng ulo, pagsakit/pamamaga ng mga kalamnan ng ‘calf’, pamamaga ng bukong-bukong/kamay/paa. Humanap ng agarang atensyong medical kung alinman sa mga ito ang bibihira ngunit seryosong mga epekto ang naganap: kahinaan sa isang parte ng katawan, pautal-utal na salita, pagbabago ng paningin, sakit sa dibdib, kakulangan sa paghinga. Ang gamot na ito ay maaring magdulot ng kondisyong tinatawag na ‘Ovarian Hyperstimulation Syndrome (OHSS)’. Ang kondisyong ito ay maaaring maganap sa kalagitnaan ng terapya at pagkatapos ng pagggamot ay di-tinuloy. Bibihirang, seryosong OHSS ay nagdudulot ng mga likido na biglaang mamuo sa tyan, dibdib, at bandang puso. Humanap ng agarang atensyong medical kung ikaw ay nagkaroon ng mga sumusunod na mga epekto: malubhang sakit o pamamaga sa mababang parte ng tyan (pelvic) parte, pagduduwal/pagsusuka, biglaang/malaking pagbigat ng timbang, o pagbabago sa dami ng ihi. Ang lubhang seryosong reaksyong alerdyi sa gamot na ito ay malamang, ngunit humanap ng agarap atensyong medical kung ito ay naganap. Mga sintomas ng seryosong reaksyong alerdyi ay maaring kasama: pantal, pangangati/pamamaga (lalo na ng mukha/dila/lalamunan), lubhang pagkahilo, problema sa paghinga. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito abisuhan muna ang iyong doktor kung ikaw ay mayroong kahit anumang uri ng alerdyi. Ang produktong ito ay maaaring maglaman ng di-aktibong mga sangkap (tulad ng benzyl alcohol, treptomycin, neomycin), na nakakapagdulog ng reaksyong alerdyi o iba pang mga problema. Bago gumamit nitong medisina, kumonsulta muna sa iyong doktor o parmasyutiko kung ikaw ay mayroong: iba pang problema sa pagbuo ng bata (hal. , primaryong pagpalya sa obaryo), abnormal na pagdurugo ng matris/puki, teroydeo o adrenal gland na mga problema, kanser sa mga reproductive na organ (suso, matris, obaryo, testis), mga tumor sa utak (hal. , tumor sa pituitary), cysts sa obaryo o lumaking mga obaryo (hindi dahil sa polycyctic na sakit sa obaryo). Bago gamitin ang panggamot na ito, sabihin sa iyong doktor o parmasyutiko ang iyong kasaysayang medical, lalo na ng: pamumuo ng dugo, strok, tiyak na mga sakit sa puso (hal. , atake sa puso), problema sa baga (hal. , asthma). Ang gamot na ito ay maaaring makapagpahilo. Kaya’t huwag magmaneho, gumamit ng makinarya, o gumawa ng anumang aktibidad na nangangailangan ng pagka-alerto hanggang sa makasiguro na kaya itong maisagawa ng ligtas. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ay hindi inirerekumenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor. Maaaring mangyari ang maraming panganganak dahil sa paggamot na ito. ...