Forteo
Eli Lilly | Forteo (Medication)
Desc:
Ang Forteo/Teriparatide Injection ay ginagamit ng pareho sa mga lalaki at mga nagmenopos na mga kababaihan na mayroong osteoporosis na mataas ang panganib sa pagkakaroon ng sirang buto o mga bali. Ang Forteo ay ginagamit na pareho sa mga lalaki at mga babae na mayroong osteoporosis dahilan sa paggamit ng ‘glucocorticoid’ na mga medisina, tulad ng prednisone, sa maraming buwan, na mataas ang tyansang magkaroong na pagkasira ng buto o mga bali sa buto. Maaaring gamitin ang Forteo ng mga taong mayroon/nagkaroon ng bali na may kinalaman sa osteoporosis, o kung sinuman ang mayroong iba’t-ibang peligrong dahilan ng bali, o kung sinuman ang hindi makagamit ng iba pang mga panggamot sa osteoporosis. Ang gamot na ito ay nireresetang medisinang ibinibigay ng 20 microgram na isang beses kada-araw na dosis na mayroong 2. 4 mL na gamit na pandeliver para sa iniksyon sa balat ng higit sa 28 araw. ...
Side Effect:
Ang mga karaniwang epekto ng Forteo ay kasama: pagduduwal; pagsakit ng mga kasu-kasuan; pananakit; mga pulikat sa binti at mga reaksyon mula sa lugar na pinagturukan tulad ng pamamaga, pananakit, at pagpasa. Humanap ng agarang atensyong medikal kung ikaw ay nakakaranas ng anumang mga sintomas ng seryosong reaksyong alerdyi na maaaring kasama ang: pantal, pangangati/pamamaga (lalo na ng mukha/dila/lalamunan), matinding pagka-hilo, problema sa paghinga. ...
Precaution:
Huwag gumamit ng Forteo kung ikaw alerdyi sa anumang mga sangkap nito. Bago ka uminom ng Forteo, sabihin sa iyong tagapag-bigay ng pangangalaga sa kalusugan kung ikaw ay: mayroong Paget’s na karamdaman o iba pang karamdaman sa buto; mayroong kanser sa buto; mayroong problema sa pagturok sa iyong sarili at walang sinumang makakatulong sa iyo, ikaw ay bata pa o nasa tineydyer at ang mga buto ay nananatiling lumalaki; mayroon o nagkaroon ng bato sa kidney; nagkaroon na ng terapya sa radyasyon; mayroon o nagkaroon ng sobrang kalsyum sa iyong dugo; mayroong anumang iba pang kondisyong medikal; buntis o nagbabalak magbuntis; nagpapasuso o planong magpasuso. Hindi pa naalam kung ang kung naipapasa ang gamot na Forteo sa gatas ng ina. Tiyakin na maging bukas ang anumang medikal na kondisyon ang mayroon ka sa iyong doktor, nang sa gayon ay makasiguro sila na ang Forteo ay nararapat para sayo. ...