FS Shampoo


Galderma Laboratories | FS Shampoo (Medication)


Desc:

Ang FS Shampoo/fluocinolone ay isang topical steroid o pinapahid sa apektadong parte ng balat na ginagamit upang bawasan ang pagkilos ng mga kemikal sa katawan na nagdudulot ng implamasyon, pamumula, at pamamaga. Ginagamot nito ang matinding balakubak, kondisyon na medikal na kilala bilang seborrheic dermatitis. Gumamit ng shampoo na ito nang eksakto ayon sa direksyon ng iyong healthcare provider. Sundin ang mga tagubilin sa label para sa wastong paggamit. Ilapat ang produktong ito sa anit lamang, at iwasan na mailagay ang produkto sa mga mata, ilong o bibig. ...

Side Effect:

Karaniwan, ang shampoo na ito ay maaaring maging sanhi ng mga sumusunod na epekto:paghapdi, pangangati, pagkatuyo, o pamumula, acne, labis na patubo ng buhok, maliliit na bukol sa anit na kilala bilang folliculitis, paninipis ng balat o pagkawala ng kulay, o stretchmarks. Kung mayroon man sa mga ito na nagpatuloy o lumala, tumawag sa iyong doktor. Mas bihira, ngunit ang malubhang masamang reaksyon ay nangangailangan ng medikal na pangangalaga. Ihinto ang paggamit sa produktong ito kung napansin mo ang alinman sa mga sumusunod:hindi pangkaraniwan o labis na pagkapagod, pagbaba ng timbang, sakit ng ulo, pamamaga ng mga bukung-bukong o paa, sobrang pagkauhaw o pag-ihi, problema sa paningin, alerdyi - pantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagsasara ng lalamunan, pamamaga ng labi, dila, o mukha, o pantal. ...

Precaution:

Bago gamitin ang gamot na ito, ipagbigay-alam sa iyong doktor kung mayroon kang anumang mga alerdyi, kung gumagamit ka ng iba pang gamot at kung mayroon ka o iba pang mga medikal na kondisyon sa balat o sa anit tulad ng rosacea, o perioral dermatitis. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ay hindi inirerekomenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor. ...