Furoxone
Shire | Furoxone (Medication)
Desc:
Ang Furoxene/Furazolidone ay ginagamit sa paggamot ng pagtatae o enteritis na dahilan ng bakterya. Ito rin ay maaaring kapaki-pakinabang sa paggamot ng traveler’s diarrgea, typhoid fever, kolera at salmonella na mga impeksyon. Inumin ang medisinang ito ng direkta sa bunganga tulad ng idinirekta sa iyo ng iyong doktor, kadalasan apat nab eses kada araw. Ang medikasyong ito ay maaaring inumin ng may pagkain kung nagkaroon ng kapabaga-bagan sa tyan. Para sa mas magandang resulta, uminom ng paisa-isang dosis sa may mga pagitang salitan ng oras. Ito ay nagpapanatili ng tamang lebel ng medikasyon sa iyong dugo. Inumin ang gamot na ito para sa kabuuang inireseta. Ang paghinto ng terapya ng mas maaga ay maaaring magresulta sa pagkakaroon ng impreksyon. ...
Side Effect:
Bibihirang sakit sa ulo, pagduduwal, pagsusuka (mataas na dosis), alerdying pantal, lagnat, arthralgia, bibihirang agranulocytosis, hemolytic na anemia (ang kakulangan ng G-6-PD) ay maaaring maganap. Sakit sa ulo, kabaga-bagan ng tyan, pagduduwal, pagsusuka, pagkahilo o pagkahina ay maaaring mangyari lalo na sa unang mga araw habang ang iyong katawan ay nagbabago pa sa medikasyon. Kung alinman sa mga epektong ito ang naging nakakaabala o malubha, ipagbigay-alam kaagad ito sa iyong doktor. Sabihan kaagad ang iyong doktor kung ikaw ay nagkaroon ng: lagnat, pantal sa balat, pangangati, pagsakit ng mga kalamnan, pakiramdam ng pamumula sa mukha at mainit, hirap sa paghinga. Ang medikasyong ito ay maaaring mag dulot ng pagiging kulay-lupa ng ihi, na hindi delikadong epekto. ...
Precaution:
Bago gumamit nitong gamot, sabihin muna sa iyong doktor ang iyong kasaysayang medikal, lalo na ng: sakit sa dugo (G6PD deficiency), mga alerhiya (lalo na ng mga alerhiya sa gamot). Iwasang uminom ng alkohol sa kalagitnaan ng terapya at sa 4 na araw pagtapos inumin ang gamot na ito. Ang reaksyong nagdudulot ng pakiramdam ng mainit ang namumulang mukha, lagnat, masikip na dibdib at problema sa paghinga ay maaaring mangyari. Gamitin ng may pag-iingat ang paggawa ng mga aktibidad na nangangailangan ng pagka-alerto, kung ang gamot na ito ay nagpapahilo. Mga sanggol na wala pa sa isang buwan na gulang ay di-nararapt makatanggap nitong gamot. And mediikasyong ito ay dapat lamang gamitin kapag maliwanag na kinakailangan habang nagbubuntis. Pagusapan ang mga peligro at benepisyo kasama ng iyong doktor. Hindi pa natutukoy kung ang gamot na ito ay naglalaman din sa gatas ng ina. Kumonsulta sa iyong doktor bago magpa-suso. ...