Fusidic acid, hydrocortisone - topical

Leo Laboratories | Fusidic acid, hydrocortisone - topical (Medication)

Desc:

Ang Fusidic acid ay isang gamot na antibayotiko na pumipigil sa proseso ng pagdami ng bakterya. Ang Hydrocortisone acetate ay isang uri ng gamot na kilala bilang isang corticosteroid na pumipigil sa paglalabas ng mga kemikal mula sa katawan na nagdudulot ng pamamaga. Ang kombinasyon ng hydrocortisone at fusidic acid ay ginagamit upang gamutin ang eksema at dermatitis na dulot ng bakterya. Ipinapahid ang produktong ito sa malinis na balat lamang, tulad ng itinuro ng iyong doktor para sa iyong kondisyon. Iwasang mapunta ito sa mata, ilong, at bibig. ...


Side Effect:

Kaakibat ng mga epekto nito ay mayroon ding mga iba pang hindi kanais-nais na epekto ang gamot na ito. Kabilang dito ang: pagka-iritai ng balat tulad ng pangangati, pagkasunog, o pakiramdam na may tumutusok; pagpapantal; paglala ng eksema; pagnipis ng balat, paglabas ng ugat na animoy sapot ang itsura pagkaakroon ng marka ng kamot; pamamaga ng mga follicle ng buhok (folliculitis); pagbawas sa kulay ng balat sa lugar ng aplikasyon; pagdami ng pagtubo ng buhok sa lugar ng aplikasyon; o contact dermatitis. ...


Precaution:

Bago gamitin ang gamot na ito ipaalam sa iyong doktor kung mayroon kang anumang uri ng mga alerdyi. Sabihin sa iyong doktor kung gumagamit ka ng iba pang gamot at kung mayroon ka o nagkaroon ka ng alinman sa mga sumusunod na kundisyon: impeksyon sa balat dulot ng bakterya na hindi dahil sa eksema o dermatitis; mga impeksyong balat na dulot ng fungi, tulad ng alipunga, buni, mga impeksyon sa balat dulot ng candida; mga impeksyon sa balat na dulot ng virus tulad ng bulutong-tubig o herpes simplex; tubekulosis na nakakaapekto sa balat; mga pantal sa balat sanhi ng syphilis; tagiyawat; rosacea; acne vulgaris; perioral dermatitis; ulser sa balat; pangangati sa balat at sa paligid ng maselang bahagi ng katawan o butas ng puwit; o mga lugar na maninipis at maselan ang balat at parte na may sira/sugat ang mga ugat. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ay hindi inirerekomenda na gamitin ang gamot na ito nang walang pahintulot ng iyong doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».