Gantanol DS
Roche | Gantanol DS (Medication)
Desc:
Ang Gantanol DS o Sulfamethoxazole ay isang anti-bacterial sulfonamide. Pinipigilan nito ang pagbuo ng dihydrofolic acid, isang ensaym na ginagawa ng bakterya upang mabuhay. Bagamat ito ay isang napaka-kapaki-pakinabang na antibiotic, hindi na ito ginagamit na isang solong gamot dahil sa pagtindi ng resistensya ng bakterya sa mga epekto nito. ...
Side Effect:
Ang Gantanol DS ay maaaring maging sanhi ng pagkahilo, sakit ng ulo, pagkalutang, pagtatae, pagkawala ng gana, pagduduwal, pagsusuka, at pagpapantal. Ang Gantanol DS ay dapat itigilsa kapag may napansing pantal sa balat dahil ang pantal ay maaaring maging malubha. Ang mga malubhang pagpapantal ay kinabibilangan ng Stevens-Johnson Syndrome (masakit nakasukasuan at kalamnan; pamumula, pags, pagbabalat at pagsusugat ng balat); toxic epidermal necrolysis (hirap sa paglunok; pagbabalat, pamumula, pagluwag, at pagsusugat ng balat. Ang Gantanol DS o Sulfamethoxazole Therapy ay maaari ring maging sanhi ng malawak na pagkasunog ng dahil sa sikat ng araw. Ang mga pasyente na tumatanggap ng Sulfamethoxazole ay dapat umiwasng labis na pagbibilad sa sikat ng araw at dapat magsuot ng Sunscreen (proteksyon sa araw). ...
Precaution:
Ang Gantanol DS ay maaaring mapahusay ang epektong pagpapanipis at pagpigil sa pamumuo ng dugong gamot na Warfarin (Coumadin), na posibleng humahantong sa pagdurugo. Ang mga Sulfonamides tulad ng Sulfamethoxazole ay maaaring dagdagan ang metabolismo (pagkasira at pagtanggal) ng Cyclosporine (na nagiging sanhi ng pagkawala ng epektibo ng Cyclosporine), at maaaring makaragdag sa pinsala sa bato na dulot ng Cyclosporine. Ang lahat ng mga Sulfonamides ay maaaring bumuo ng bato sa ihi kapag ang ihi ay Acidic. Dahil ang Methenamine (Hiprex, Urex, Mandelamine) ay nagdudulot ng isang acidic na ihi, hindi ito dapat gamitin kasama ng Sulfonamides. Ang mga epekto ng uri ng Sulfonamide na antibiotics sa fetus ay hindi pa napag-aralan nang sapat. Samakatuwid, maaaring gamitin ng mga manggagamot ang mga ito kung ang mga benepisyo ay itinuturing na higit pa sa mga potensyal na peligro. Sa kabilang banda, ang paggamit ng Sulfonamides bago manganak (iyon ay, malapit sa ikasiyam na buwan ng pagbubuntis) ay maaaring maging sanhi na ang Bilirubin ay lumipat mula sa mga protina sa dugo ng sanggol. Ang pagkakalipat ng bilirubin ay maaaring humantong sa isang mapanganib na kondisyon na tinatawag na Kernicterus kung saanang bilirubin ay nagkakaroon ng masamang epekto sa utak. Sa kadahilanang ito, ang Sulfonamides ay hindi dapat gamitin bago manganak. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ay hindi inirerekomenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor. ...