Gardasil Vaccine

Merck & Co. | Gardasil Vaccine (Medication)

Desc:

Nagbibigay ang Gardasil ng proteksyon laban sa mga serotyp ng virus ng papilloma na nagdudulot ng 90% ng mga cervical cancer. Ang Gardasil ay isang uri ng bakunang Papillomavirus (HPV) na tumutulong na protektahan laban sa 4 na uri ng Human Papilloma Virus (HPV). Para sa mga batang babae na may edad 9 hanggang 26, tumutulong ang Gardasil upangprotektahan sila laban sa 2 uri ng HPV na nagdudulot ng halos 75% ng mga kaso ng kanser sa serviks ( Cervical Cancer), at 2 pang uri na nagdudulot ng 90% na kaso genital warts ( pagtubo o pagkakaroon ng kulugo sa maselang bahagi ng katawan ). Sa mga batang lalaki at binata na may edad 9 hanggang 26, tumutulong ang Gardasil na protektahan sila laban sa 90% na mga kaso ng Genital warts. Tumutulong din ang Gardasil na protektahan ang mga batang babae na may edad na 9 hanggang 26 laban sa 70% ng mga kaso ng kanser sa kanilang maselang pagkabababe (vagina) at hanggang sa 50% ng mga kaso ng kanser sa vulvar ( parte ng vagina). Ang Gardasil ay maaaring hindi ganap na maprotektahan ang lahat lalo na laban sa mga sakit na dulot ng iba pang mga uri ng HPV o laban sa mga sakit na hindi sanhi ng HPV. Hindi pinipigilan ng Gardasil ang lahat ng mga uri ng cervical cancer, kaya mahalaga para sa mga kababaihan na magpatuloy sa mga regular na pagpapasuri para sa sakit na Cervical cancer. Hindi ginagamot ng Gardasil ang kanser o genital warts. Ang Gardasil ay ibinibigay bilang 3 iniksyon sa loob ng 6 na buwan. ...


Side Effect:

Kasama sa mga mararamdamang masamang epekto ng gamot na ito ay ang sakit na nararamdaman, pamamaga, pangangati, pagsusugat, at pamumula sa lugar ng iniksyon, sakit ng ulo, lagnat, pagduduwal, pagkahilo, pagsusuka, at nanghihina. Ang pagkawa ng malay ay maaaring mangyari pagkatapos gumamit ng Gardasil. Minsan ang mga taong nanghihina ay maaaring matumba at masaktan ang kanilang sarili. Sa kadahilanang ito, maaaring hilingin sa iyo ng iyong doktor na umupo o humiga ng 15 minuto pagkatapos mong ma-ineksyon ang Gardasil. Ang ilang mga tao na nanghihina ay maaaring manginig o manigas. Maaaring mangailangan ito ng pagsusuri o paggamot ng iyong doktor. ...


Precaution:

Ipinakita din sa pag-aaral na ang paninigarilyo at pag-inom ng alkohol ay nakakaragdag ng panganib na magkaroon ng kanser sa lalamunan sa mga may impeksyon sa bibig na may Papilomarvirus. Ang sinumang may alerdyi sa mga sangkap ng Gardasil, kasama na ang mga malubhang alerdyi sa lebadura, ay hindi dapat tumanggap ng bakuna. Ang Gardasil ay hindi para sa mga babaeng buntis. Tanging isang doktor o propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan ang maaaring magpasya kung tama ang Gardasil para sa iyo o sa iyong anak. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».