Gatifloxacin - oral

Unknown / Multiple | Gatifloxacin - oral (Medication)

Desc:

Ginagamit ang Gatifloxacin upang gamutin ang iba't ibang mga impeksyon dulot ng bakterya. Ang ginagawa nito ay sa pamamagitan ng pagtigil sa pagdami ng bakterya. Kabilang ang gamot sa isang klase ng mga gamot na tinatawag na quinolone antibiotics. Ang antibiotic na ito ay lunas lamang para sa impeksyon dulot ng bakterya. Walang epekto ang Gatifloxacin para sa mga impeksyon dulot ng mikrobyo (halimbawa:karaniwang sipon, trangkaso). Pwedeng maging dahilan para mabawasan ang pagiging epektibo nito sa labis na paggamit ng anumang antibiotic. ...


Side Effect:

Ipagbigay-alam kaagad sa iyong doktor o parmasyutiko kung ang alinman sa mga epektong ito ay nagpatuloy o lumala. Pwedeng mangyari ang pagduduwal, pagtatae, sakit ng ulo, at pagkahilo. Tandaan na inireseta ang gamot ito ng iyong doktor dahil makakatulong ito ng mas malaki kaysa sa peligro ng mga epekto. Walang malubhang epekto ang karamihan sa mga tao na gumagamit ng gamot na ito. Sabihin agad sa iyong doktor kung anuman ang malubhang epekto na nangyari katulad ng: pamamanhid, panginginig o panghihina ng braso o binti, pamamaga ng bukung-bukong, kamay o paa, hindi mapigil na paggalaw, pagbabago ng paningin. Sabihin agad sa iyong doktor kung ang alinman sa mga bihirang ngunit napaka-seryosong epekto na naganap:madaling magkapasa o dumudugo, mabilis o hindi regular na tibok ng puso, nahimatay, pagbabago sa pag-iisip o mood (kabilang ang depression, pag-iisip minsan ng pagpapakamatay), mga bagong palatandaan ng impeksyon (hal. Lagnat , paulit-ulit na namamagang lalamunan), paulit-ulit na pagduwal o pagsusuka, pamumutla ng mga mata o balat, seizures, pagbabago sa dami ng ihi.

Maaaring bihirang maging sanhi ng pinsala sa litidang gamot na ito (hal. tendon rupture). Humingi ng agarang medikal na atensyon, magpahinga, at itigil ang pag-eehersisyo kung nagkakaroon ka ng sakit sa kasu-kasuhan / kalamnan / masakit o pamamaga ng litid. Maaaring maging sanhi ang gamot na ito ng mga pagbabago ng asukal sa dugo, lalo na sa mga pasyente na umiinum ng mga gamot para sa diabetes. Ang gamot na ito ay maaaring bihirang maging sanhi ng isang malubhang kondisyon sa bituka (pseudomembranous colitis) dahil sa lumalaban na bakterya. Ang kondisyong ito ay maaaring mangyari linggo pagkatapos tumigil ng paggamot. Huwag gumamit ng mga produktong kontra sa pagtatae o mga gamot na narcotic pain kung mayroon kang mga sumusunod na sintomas dahil ang mga produktong ito ay maaaring magpalala sa kanila. Kung nagkakaroon ka:patuloy na pagtatae, sakit sa tiyan, dugo o parang may malagkit na tubig sa iyong dumi ay agad na sabihin sa iyong doktor...


Precaution:

Ipaalam sa iyong doktor bago gamitin ang gamot na ito kung mayroon kang anumang uri ng mga alerdyi. Sabihin sa iyong doktor o parmasyutiko bago gamitin ang gamot na ito ang iyong kasaysayan ng mga naranasang sakit, lalo na sa:paggamit ng contact lens. Ang iyong paningin ay maaaring pansamantalang malabo o mahina pagkatapos ilapat ang gamot na ito. Iwasang magmaneho, gumamit ng makinarya, o gumawa ng anumang aktibidad na nangangailangan ng malinaw na paningin hanggang sa natitiyak mong maaari mong maisagawa nang ligtas at walang panganib ang mga nasabing aktibidad. Ang paggamit ng gamot na ito para sa matagal o paulit-ulit na panahon ay maaaring magresulta sa isang pangalawang impeksyon. Hindi inirerekumenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».