Gaviscon
GlaxoSmithKline | Gaviscon (Medication)
Desc:
Ang Gaviscon ay kombinasyon ng Aluminum at Magnesium na ginagamit bilang gamot sa mga sintomas ng pag-taas ng acido sa ating tiyan tulad ng paghilab ng tiyan, paninikip ng dibdib at hindi natutunawan. Ang Gaviscon ay gumagamot lamang sa acido na nasa loob na ng ating tiyan, hindi nito pinipigilan ang produksyon ng acid. Inumin ang gamot na ito kadalasan ay bago kumain o bago matulog sa gabi, o sa kung anong payo ng iyong doktor. Mabuting basahin ang tamang paraan ng pag-inom nito na nasa pakete ng gamot. ...
Side Effect:
Ang pinaka-karaniwang epekto ng Gaviscon ay hirap sa pagdumi, kabag at dighay, pagduduwal, pagtatae o sakit sa ulo. Kung alinman sa mga sintomas na ito ay nagpapatuloy o lumalala, ipaalam ito sa iyong doktor. Ang mga bihira pero seryong masamang epekto ng gamot na ito ay:walang ganang kumain, hindi mawaring pagbaba ng timbang, sakit sa mga kasukasuan at mga buto, panghihina, pagbabago-bago ng kaisipan o kalooban tulad ng pagkalito, palaging pagod na pakiramdam. Ihinto kaagad ang pag-inom ng Gaviscon kapag nakaras ng ganitong mga sintomas. Ang alerdyi ay bihirang maranasan sa gamot na ito, ngunit kung mapansin na ikaw ay nakakaranas ng mga ito pinapayong pumunta sa ospital o sa iyong doctor, ito ay tulad ng:pagpapantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagsasara ng lalamunan, pamamaga ng labi, dila o mukha at hutikarya. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito, ipaalam muna sa iyong dokto kung ikaw ay may anumang uri ngalerdyi, kung ikaw ay mayroong ibang iniinom na mga gamot at kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng anuman sa mga sakit na ito:Hypercalcemia (Mataas na lebel ng Kalsium sa dugo), Pagbabara sa tiyan o sa bituka, sakit sa bato at pagkakaroon ng mga bato sa bato. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso, kausapin muna ang iyong doktor bago uminom ng Gaviscon. ...