Gemifloxacin - oral

Dr. Reddy Laboratories | Gemifloxacin - oral (Medication)

Desc:

Isang klase ng gamot ang Gemifloxacin na kilala sa pangalang fluoroquinolone antibiotics at ginagamit upang gamutin ang iba't ibang mga impeksiyon dulot ng bakterya. Ginagamit ang Gemifloxacin upang gamutin ang brongkitis at pulmonya na dulot ng impeksyon. Ang gamot na ito ay hindi umeepekto sa mga impeksyon na dulot ng mikrobyo tulad ng karaniwang sipon at trangkaso. Inumin ang gamot ayon sa direksyon ng iyong doktor para sa iyong kondisyon. Ang dosis ng gamot na ito ay nababatay sa iyong medikal na kondisyon at kalagayan. Huwag taasan ang dosis o dalas ng pag-inom nang walang payo ng iyong doctor. ...


Side Effect:

Ang gamot na ito ay maaaring maging sanhi ng: pagduduwal, pagtatae, pagkahilo, lutang na pakiramdam, sakit ng ulo, o problema sa pagtulog. Tumawag sa iyong doktor kung mayroon man sa mga ito nag nagpatuloy o lumala. Karamihan sa mga bihirang, ngunit malubhang epekto ay kinabibilangan ng:sensitibo sa araw, hindi pangkaraniwang pasa o pagdurugo, mga palatandaan ng isang bagong impeksyon, hindi pangkaraniwang pagbabago sa dami ng ihi, mga palatandaan ng mga problema sa atay tulad ng hindi pangkaraniwang pagkapagod, sakit sa tiyan o sikmura, madalas na pagduduwal o pagsusuka, paninilaw, masakit ang dibdib, malubha at madalas na sakit ng ulo, pagbabago sa paningin, panginginig, pangingisay, malubhang pagkahilo, pamumutla, mabilis o hindi regular na tibok ng puso, mga pagbabago sa kaisipan o pakiramdam tulad ng pagkabalisa, pagkalito, guni-guni, pagkalungkot, o bihirang pag-iisip tungkol sa pagpapakamatay. Madalang na maging sanhi ang Gemifloxacin ng mga problema sa mga ugat o isang matinding kondisyon ng bituka. ...


Precaution:

Ipagbigay-alam sa iyong doktor kung mayroon kang anumang uri ng mga alerdyi bago gamitin ang gamot na ito. Kung gumagamit ka ng iba pang gamot at kung mayroon ka o nagkaroon ka ng alinman sa mga sumusunod na kondisyon ipagbigay-alam sa iyong tagabigay ng pangangalaga sa kalusugan: diabetes, mga problema sa puso tulad ng mabagal, mabilis, o hindi regular na tibok ng puso, pananakit ng dibdib, o kamakailang pag-atake sa puso, mga problema kasukasuan o tendon tulad ng tendonitis, bursitis, sakit sa bato, myasthenia gravis, peripheral neuropathy, seizure disorder, pinsala sa utak o ulo, mga bukol sa utak, o cerebral atherosclerosis. Maaaring maging sanhi ng pagkahilo at pagka-antok ang gamot na Gemifloxacin, huwag magmaneho at gumamit ng mabibigat na makinarya hanggang sigurado ka na maaari mong maisagawa nang ligtas ang aktibidad na ito. Limitahan din ang iyong mga inuming may alkohol. Ginagawa ng Gemifloxacin ang iyong balat na mas sensitibo sa araw, samakatuwid iwasan ang matagal na pagbibilad sa araw, mga tanning booth, at sunlamps, gumamit ng panangga sa araw at magsuot ng proteksiyon na damit kapag nasa labas. Hindi inirerekomenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».