Geref
Serono | Geref (Medication)
Desc:
Ang gamot na Geref o Sermorelin ay ginagamit upang suriin at gamutin ang kakulangan sa ang hormone na responsible sa paglaki (Growth Hormone) sa mga bata. Ito ay ginagamit din upang gamutin ang ibang uri ng sakit. Ang Geref ay isang Growth Hormone-Releasing Antagonist ( hormone na tumutulong upang ang ating katawan ay maglabas ng Growth Hormone). Ito ay tumutulong upang ang ating Pituitary Gland ( isang glandula sa ating katawan) ay maglabas ng Growth Hormone. ...
Side Effect:
Pananakit, pamamaga, pamumula sa lugar ng ineksyon ay maaaring maranasan. Kung makararanas patuloy at lumalalangepekto ng gamot na ito, makabubuting ipaalam kagaad sa iyong doktor. Sabihing maigi sa inyong doktor kung kayo ay nakararanas ng:sakit sa ulo, pamumula, sobrang pagiging aktibo. Sabihin kaagad sa iyong doktor kung ang alinman sa mga bihira ngunit malubhang epekto ang nararanasan:problema o hirap sa paglunok, pagsusuka, paninikip ng dibdib. Humingi ng agarang atensiyong medikal kung nakakaranas ka ng anumang mga sintomas ng isang malubhang reaksyon ng alerdyikabilang ang:pagpapantal, pangangati / pamamaga (lalo na ng mukha / dila / lalamunan), matinding pagkahilo, problema sa paghinga. ...
Precaution:
Mayilan sa mga kondisyong medikal ang maaaring mag-ugnay sa Geref. Sabihin sa iyong doktor o parmasyutiko kung mayroon kang anumang mga kondisyong medikal, lalo na ang alinman sa mga sumusunod:kung ikaw ay buntis, nagbabalak na mag-buntis, o nagpapasuso; kung umiinom ka ng anumang uri ng gamot, pag-inom ng mga halamang gamot, o suplemento sa pagdidiyeta; kung mayroon kang mga alerdyi sa mga gamot, pagkain, o iba pang mga sangkap; kung mayroon kang karamdaman o pinsala sa ulo o utak. Mayilang mga gamot na maaaring makipag-ugnay sa Geref. Sabihin sa iyong doktor o parmasiyutiko kung umiinom ka ng iba pang mga gamot, lalo na ng mga sumusunod:Cyclooxygenase inhibitors (halimbawa: Aspirin, Indomethacin), Glucocorticoids (halimbawa:Prednisone), Insulin, mga gamot sa Thyroid o Goiter (Halimbawa:Propylthiouracil), Muscarinic Antagonist (halimbawa: Atropine), o mga gamot na may Somatostatin o gamot na nagpapalabas ng Somatostatin (halimbawa:Clonidine, Levodopa) dahil ang bisa ng Geref upang mag-diagnose ng isang karamdaman ay maaaring mabawasan. ...