Glucagon
Genentech | Glucagon (Medication)
Desc:
Ang Glucagon ay isang hormone na tumutulong sa atay na magpakawala ng asukal (Glucose) sa dugo. Ginagamit ito upang mabilis na madagdagan ang mga antas ng asukal sa dugo sa mga taong may diyabetis na nakararanas ng biglang pagbaba ngasukal sa dugo (hypoglycemia). Ang gamot na ito ay maaari ring magamit sa ilang mga medikal na pagsusuri. Ang karaniwang dosis ng gamot na ito para sa mga tao at mga bata na may bigat ng higit sa 20 kilo (44 lbs) ay 1 mg o 1 unit ng iniksyon sa ilalim ng balat, sa kalamnan o sa isang ugat. Ang Glucagon ay kabilang sa pangkat ng mga gamot na tinatawag na Hyperglycemic Agents. Maaari ring gamitin ang Glucagon bilang bahagi ng ilang mga pagsusuri sa Radiologic upang pansamantalang mabawasan ang paggalaw ng tiyan at mga bituka. ...
Side Effect:
Itigil ang medikasyon sa gamot na ito at humingi ng agarang atensyon medikal kung ikaw ay makakaranas ng mga sumusunod:malalang reaksyon ng alerdyi tulad ng pagpapantal, pangangati ng balat, hirap sa paglunok at hirap sa paghinga, pamamaga ( mukha, bibig, dila at lalamunan). Ang iyong parmasyutiko ay maaraning magbigay ng payo kung paano pangangasiwaan ang masamang epekto ng gamot na ito tulad ng:pagkahilo, pagduduwal at pagsusuka. Kung ikaw ay nababahla sa mga ganitong epekto ng gamot, makakabuting isangguni ito sa iyong doktor at pag-usapan ang mga peligro at benepisyong makukuha sa paggamit ng gamot na ito. ...
Precaution:
Ang mga taong may mga kondisyong tulad ng matagal na pag-aayuno, gutom, pagbawas ng Adrenal function, at matindingpagbaba asukal sa dugo ay dapat talakayin sa kanilang doktor kung paano ang gamot na ito ay maaaring makaapekto sa kanilang medikal na kalagayan, kung paano ang kanilang medikal na kondisyon ay maaaring makaapekto sa dosis at pagiging epektibo ng gamot na ito, at kung mayroon man kinakailangang espesyal na pagsubaybay. Ang gamot na ito ay hindi dapat gamitin sa panahon ng pagbubuntis maliban na lamang kung ang mga benepisyo nito ay higit pa sa mga panganib na mararanasankung hindi mabibigyan ng asukal. Ang pag-inom ng alkohol (kakaunti man o marami) ay maaaring makabawas sa epektibo ng gamot na ito. Hindi pa alam kung ang Glucagon ay naipapasa sa gatas ng ina. ...