Glucosamine - oral

Unknown / Multiple | Glucosamine - oral (Medication)

Desc:

Ang Glucosamine ay gamot na ginagamit para sa Rayuma (Osteoarthritis). Kung ninanais na gumamit ng halamang gamot o suplemento para sa sakit na ito, nararapat na kumunsulta muna sa iyong doktor. Karagdagan, dapat ay kumunsulta sa mga doktor na eksperto sa paggamit ng mga halamang gamot o mga supplement upang mas maging epektibo at maayos ang pagagamot sa sakit na ito. ...


Side Effect:

Pagtatae, hirap sa pagdumi, pagduduwal, pagsusuka, o paninikip ng dibdib ay maaaring maranasan. Kung patuloy itong nararanasan at lumalala, kaagad itong ipaalam sa iyong doktor o parmasiyutiko. Kung ang iyong doktor ay pinayagan kayong gamitin ang gamot na ito, nagpapatunay lamang ito na ang iyong doktor ay nakakakita ng mas malaking benepisyo mula sa gamot na ito kesa malalang epektong maaaring maranasan. Karamihan sa mga taong gumagamit ng ganitong gamot ay hindi nakakaranas ng malalang sintomas. Bihira ding makaranas ng malalang alerdyi mula sa gamot na ito. Gayunpaman, kung makakaranas ng alin man sa mga sintomas na ito ng alerdyi ay ipaalam agad sa iyong doktor. Kabilang sa mga sintomas na ito ay:pagpapantal, pangagati o pamamaga ( sa mukha, dila, lalamunan), malalang pagkahilo, hirap sa paghinga. Ito ay ang ilan lamang sa mga sintomas na maaaring maranas. ...


Precaution:

Nararapat na ipaalam muna sa iyong doktor kung ikaw ay may anumang uri ng alerdyi bago umpisahan ang pag-inom ng gamot na ito. Hindi magiging ligtas ang pag-inom ng gamot na Glucosamine at Chondroitin kung ikaw ay:may kanser sa iyong Prostate,problema sa matinding pagdurugo, Asthma, Diyabetis, mataas na lebel ng Cholesterol sa dugo, Altapresyon, at anumang uri ng alerdyi, kasama ng alerdyi sa pagkain, tina o pangkulay, at anumang uri ng kemikal. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».