Glucose
CSL Limited | Glucose (Medication)
Desc:
Isang simpleng asukal ang Glucose na kilala bilang isang monosaccharide at isang mahalagang carbohydrate. Ginagamit ang glucose upang madagdagan ang antas ng glucose sa dugo kapag bumaba na nagiging sanhi ng kondisyon na tinatawag na hypoglycemia. Ang gamot na ito ay iniinum kapag mayroon kang mga sintomas ng hypoglycemia tulad ng: dobleng paningin o malabo na paningin, mabilis o malakas na tibok ng puso, mainitin ang ulo o agresibong kumilos, sakit ng ulo, gutom, pagpapawis, mabilis mapagod o nakakaramdam ng panghihina. ...
Side Effect:
Karamihan sa mga pasyente ay gumagamit ng glucose at madalang na mangyari na iba-iba ang epekto nito. Wala pang naiulat na masamang epekto kapag gumamit lang ng maliit na dosis. Bihirang lang mangyari ang pagduduwal. Reaksyong alerdyi sa glucose ay bihira din. Magpatingin agad sa pinakamalapit ng pagamutan kung napansin mo ang alinman sa mga sumusunod, o anumang hindi pangkaraniwang tanda na nagpapatuloy o lumalala: pantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagsasara ng lalamunan, pamamaga ng mga labi, dila, o mukha, o mga pantal. ...
Precaution:
Ipagbigay-alam sa iyong doktor bago gamitin ang gamot na ito kung mayroon kang anumang uri ng mga alerdyi. Kung mayroon kang iba pang mga sakit at kung gumagamit ka ng iba pang gamot sabihin agad sa iyong doktor o parmasyutiko. ...