Glycerin suppository - rectal

Vion Pharmaceuticals, Inc. | Glycerin suppository - rectal (Medication)

Desc:

Ang Glycerin ay kabilang sa uri ng mga gamot na kilala bilang mga Hyperosmotic Laxatives (gamot pampadumi) na tumutulong upang makadumi ng maayos. Glycerin Suppository-Rectal ( supusitoryo sa puwet) ay ginagamit upang mapawi ang madalang o hindi pagdumi. Para sa pinakamahusay na mga resulta, dapat itong magamit kasama ng maraming likido, pagkain na mayaman sa mga fibre at ehersisyo. Ang produktong ito ay dapat lawing gamitin sap wet, huwag itong iinumin. Sundin ang wastong paggamit nito na makikita sa lagayan. Gamitin ito isang beses lamang sa isang araw. ...


Side Effect:

Karaniwang epektong mapapapansin sa pagamit nito ay:ang pangangati ng pwet o pagkaramdam ng init sa pwet, pagsakit o paghapdi ng tyan, mapapansin din pagkakaroon ng parang sipon sa dumi. Kung mayroon man sa mga ito na nagpatuloy o lumala, tumawag o kumunsulta sa iyong doktor. Karamihan sa iba pang bihira ngunit malubhang epekto nito ay ang:pagdurugo ng pwet, madalas na pagtatae, patuloy na pagtatae, hindi pangkaraniwang nabawasan ang pag-ihi, hindi pangkaraniwang tuyo na bibig o laging pagkauhaw, kawalan ng luha, pagkahilo, parang nakalutang, o maputla at kulubot na balat. Ang isang reaksiyong alerdyi ay bihira, ngunit kung napansin mo ang alinman sa mga sumusunod na sintomas, o anumang iba pang hindi pangkaraniwang nararanasan, kaagad na tumawag sa iyong doctor at humingi ng pangangalagang medikal:pagpapantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagsasara o pananakit ng lalamunan, pamamaga ng mga labi, dila, o mukha, o pagkakaroon ng pantal. ...


Precaution:

Bago gamitin ang gamot na ito ay kinakailangang ipagbigay-alam sa iyong doctor o parmasyutiko kung mayroon kang anumang uri ng mga alerdyi. Sabihin sa iyong doktor o parmasyutiko kung ikaw aygumagamit ng iba pang gamot at kung mayroon ka o nagkaroon ka ng anuman sa mga sumusunod na kondisyon:iba pang mga problema sa bituka tulad ng Ulcerative Colitis (ulser), o almuranas, pananakit ng tyan tulad ng paghilab o paghapdi, patuloy na pagduduwal o pagsusuka. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ay hindi inirerekomenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».