Glyset
Pfizer | Glyset (Medication)
Desc:
Ang Glyset o Miglitol ay ginagamit kasama ang isang wastong programa sa diyeta at ehersisyo upang makontrol ang mataas na asukal sa dugo sa mga taong may Type 2 Diabetes (Diyabetis na hindi nangangailangan ng insulin). Ang pagkontrol sa mataas na asukal sa dugo ay nakakatulong upang maiwasan ang pinsala sa bato, pagkabulag, mga problema sa mga litid at ugat, pagkawala ng pandama, at mga problema sa sekswal na gawain. Ang wastong pag-kontrol ng Diyabetis ay maaaring makabawas sa panganib ng atake sa puso o stroke. Ang Miglitol ay tumutulong sa pamamagitan ng pagbagal ng pagsipsip ng mga karbohidrat (Carbohydrate) mula sa iyong diyeta, upang ang iyong asukal sa dugo ay hindi tumaas nang labis pagkatapos ng pagkain. ...
Side Effect:
Ang gamot na Gyset ay hindi nagpapababa ng asukal sa dugo (Hypoglycemia). Gayunpaman, ang epekto nito ay maaaring maranasan kung ikaw ay umiinom ng ibang uri ng gamot para sa Diyabetis ( halimbawa:Sulfonylureas, Insulin) at kung hindi ka kumakakain ng mga pagkaing may na kaloris (mula sa mga pagkain, inumin, prutas at marami pangiba). Maaaring makaranas ng panlalamig, pagpapawis ng malamig, panlalabo ng paningin, pagkahilo, antok, panginginig, mabilis na tibok ng puso, panghihina, sakit ng ulo, pagkawalan ng malay, pangangalay ng mga kamay at paa, at madalas na pagkagutom. Huwag kumain ng asukal o uminom ng softdrinks upang maibsan ang mga sintomas na ito dahil ang maaring mapabagal ng Miglitol ang pagkasira ng asukal sa katawan. ...
Precaution:
Bago uminom ng Miglitol, sabihin sa iyong doktor kung mayroon kang mga alerdyi at kung mayroon kang ilang mga kondisyong medikal, tulad ng:i kondisyon ng metabolohiko (Diabetic Ketoacidosis), problema sa bituka at pagdumi (halimbawa, malalangsakit sa bituka, bara sa bituka, problema sa pagtanggap at pagtunaw). Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ay hindi inirerekomenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor. ...