Golimumab Injection
Janssen Pharmaceutica | Golimumab Injection (Medication)
Desc:
Isang blocker ang Golimumab ng tumor nekrosis factor (TNF). Nakatutulong ito sa pamamagitan ng pagbawas ng mga epekto ng isang bahagi sa katawan na maaaring maging sanhi ng pamamaga. Ang Golimumab ay ginagamit upang gamutin ang rheumatoid arthritis, psoriatic arthritis, at ankylosing spondylitis. Kalimitang ginagamit ang Golimumab sa isa pang panlunas na tinatawag na methotrexate. Isang protina ang TNF na ginagawa ng katawan kapag may pamamaga. Tmumutulong ang TNF sa mga pamamaga at mga palatandaan ng pamamaga, kung saan, sa kaso ng sakit sa buto, kasama ang lagnat pati na rin ang sakit, at pamamaga ng mga kasukasuan. Ang hindi mapigilang pamamaga ng rheumatoid at psoriatic arthritis pati na rin ang ankylosing spondylitis na sa huli ay humahantong sa pagkasira ng mga kasukasuan. Ang Golimumab ay dumidikit sa TNF sa katawan at dahil doon hinaharangan ang mga epekto ng TNF. Ang resulta, ang pamamaga at ang pinsala ng pamamaga nito sa mga kasukasuan ay nabawasan, at ang labis na pagkasira ng mga kasukasuan ay tinutulungan pabagalin o pigilan. ...
Side Effect:
Pangkaraniwang masamang epekto ng mga klinikal na pag-aaral ng golimumab ay mga impeksyon sa respiratory tract at pagtaas ng pinsala sa atay. Sa lugar ng iniksyon ay posibleng magkaroon ng pamumula, pamamaga. Katulad na lamang ng ibang mga gamot na humaharang sa TNFa, ang paggamit ng golimumab ay nasasangkot sa mga malubhang impeksyon tulad ng tuberculosis, sepsis o bacteria sa dug at impeksyong fungal. Ang mga indibidwal na may mga aktibong impeksyon ay hindi dapat tratuhin ng golimumab. Ang Golimumab ay maaaring lumala o maging sanhi ng mga bagong sakit sa nervous system. Maaari ring maging sanhi o lumala ang congestive heart failure dulot ng Golimumab. Ang ilang mga pasyente na gumamit ng golimumab o ibang TNF na humaharang sa mga gamot ay nagkaroon ng cancer base sa pag-aaral. Ang iba pang mga epekto tulad ng mga pagbaba ng antas ng blood cells, pagiging aktibo muli ng hepatitis B virus at bagong o paglala ng soryasis. ...
Precaution:
Ang ilang mga taong tumatanggap ng golimumab ay nakakabuo ng isang bihira ngunit mabilis paglala na uri ng lymphoma (cancer). Nakakaapekto ito sa kondisyon sa atay, spleen, at bone marrow, at maaari itong makamatay. Kadalasan nararanasan ito ng mga kabataan na gumagamit ng golimumab o tulad ng gamot na panglunas sa sakit na Crohn o ulcerative colitis. Agad tumawag sa iyong doktor kung mayroon ka ng mga sumusunod na sintomas tulad ng: lagnat, pawis sa gabi, pangangati, pagkawala ng gana sa pagkain, pagbawas ng timbang, pagkapagod, pakiramdam na busog pagkatapos kumain lamang ng kaunti, sakit sa bandang itaas ng tiyan na maaaring kumalat sa iyong balikat , pagduduwal, madaling magkapasa o pagdurugo, maputlang balat, lutang na pakiramdam at paniinikip ng dibdib, mabilis na tibok ng puso, madilaw na ihi, dumi ng kulay na putik, o paninilaw ng balat o mga mata. Maaaring magpababa ng blood cell ang Golimumab na makakatulong sa iyong katawan na labanan ang mga impeksyon. Kinakailangang masuri ang iyong dugo nang madalas. Kung maari lang ay umiwas sa mga taong may sakit o may impeksyon. Iwasan ang mga gawain na maaaring makapagbigay ng peligro o pinsala na pamumuo ng dugo. Malubha at minsan nakamamatay na mga impeksyon ay maaaring mangyari sa panahon ng gamutan ng golimumab. Agad na makipag-ugnayan sa iyong doktor kung mayroon kang mga sintomas ng impeksyon tulad ng: lagnat, panginginig, sakit sa lalamunan, sintomas ng trangkaso, sakit sa tiyan, pagtatae, o pananakit ng kalamnan. Ang impeksiyon ay nasa paligid lamang. Ipaalam sa iyong doktor kung saan ka nakatira at kung saan ka pumunta o plano na maglakbay sa panahon ng paggamot. Sabihin lahat sa iyong doktor ang tungkol sa iyong kondisyon lalo na kung mayroon kang hepatitis, congestive heart failure, lupus, diabetes, cancer, HIV o isang mahinang immune system, o sclerosis. Sabihin sa iyong doktor bago gamitin ang golimumab kung mayroon ka ng tuberculosis, kung ang sinuman sa kasama mo sa bahay ay mayroong tuberculosis, kung ikaw ba nakpagpa-bakuna kamakailan ng BCG, o kung may nakalipas kang biyahe sa isang lugar kung saan ang tuberculosis ay karaniwan. ...