Altoprev

Andrx Pharmaceuticals | Altoprev (Medication)

Desc:

Ang Altoprev ay ginagamit upang baawasan ang panganib ng MI, hindi nakapirming anghina, at mga coronary revascularization na prosedyur sa mga pasyenteng walang sintomatikong kardyobaskyular na sakit (CVD), karaniwan hanggang sa katamtamang tumaas na total-C at LDL-C, at mas mababa sa katamtamang HDL-C. Ang Altoprev ay nilisensyahan upang gamutin ang mataas na kolesterol at mataas na mga triglyceride – at upang pigilan ang sakit sa puso sa mga taong walang sakit sa puso ngunit mayroong mataas na kolesterol. Ang gamot na ito ay nagpapababa sa masamang kolesterol sa pamamagitan ng paghaharang sa mga ensaym ng HMG-CoA reductase, na kumukontrol sa bilis ng katawan sa produksyon ng kolesterol. Ito rin ay tumutulong sa pagpapataas ng mabuting kolesterol at nagpapababa sa mga triglyceride. Ang mga posibleng epekto ng Altoprev ay may kasamang sakit ng ulo, sakit ng kalamnan, at pagtatae. ...


Side Effect:

Ihinto ang paggamit ng Altoprev at tawagan ang iyong doktor kung ikaw ay may alinman sa mga epekto: sakit ng kalamnan, panlalambot, o panghihinang may kasamang sintomas ng lagnat o trangkaso at ihing madilim ang kulay. Ang mga hindi masyadong seyosong epekto ay maaaring may kasamang: malumanay na sakit ng tiyan, gas, pamimintog, pag-iiba ng tiyan, pangangasim ng sikmura; pagduduwal; konstipasyon; o pagtatae. Humingi ng agarang tulong medikal kung ikaw ay mayroong alinman sa mga senyales ng reaksyong alerdyi: pamamantal; hirap sa paghinga; pamamaga ng iyong mukha, labi, dila, o lalamunan. ...


Precaution:

Bago gamitin ang Altoprev, sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko kung ikaw ay hindi hiyang dito; o kung ikaw ay mayroong ibang alerhiya. Ang produktong ito ay maaaring may lamang hindi aktibong mga sangkap na pwedeng magsanhi ng reaksyong alerdyi o ibang mga problema. Makipag-usap sa iyong parmaseutiko para sa mas maraming detalye. Bago gamitin ang medikasyong ito, sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko ang iyong kasaysayang medikal, lalo ng: sakit sa atay, sakit sa bato, pag-inom ng alak. Bago magkaroon ng operasyon, sabihin sa iyong doktor o dentista ang tungkol sa lahat ng produktong iyong ginagamit (kasama ang mga gamot na may reseta, walang reseta, at produktong erbal). Limitahan ang pag-inom ng alak. Ang pang-araw-araw na pag-inom ng alak ay maaaring magpataas sa iyong panganib sa mga problena sa atay, lalo na kapag hinalo kasama ang Altoprev. Tanungin ang iyong doktor o parmaseutiko para sa mas maraming impormasyon. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».