Guaifenesin

Meda Pharmaceuticals | Guaifenesin (Medication)

Desc:

Isang expectorant ang Guaifenesin. Nakakapagbigay ito ng lunas sa pamamagitan ng palugpapaluwag ng paninikip ng iyong dibdib at lalamunan, na ginagawang mas madali ang pag-ubo. Ang Guaifenesin ay ginagamit upang mabawasan ang paninikip ng dibdib na sanhi ng karaniwang sipon, impeksyon, o mga alerdyi at upang gamutin ang ubo at pagbara na sanhi ng karaniwang sipon, brongkitis, at iba pang mga sakit sa paghinga. Kadalasang hindi ginagamit ang produktong ito para sa patuloy na pag-ubo dulot ng paninigarilyo o pangmatagalang mga problema sa paghinga (tulad ng malubhang brongkitis, sakit sa baga) maliban kung idirekta ng iyong doktor. Ang gamot na ito ay naktutulong sa pamamagitan ng pagnipis at pagpapalabnaw ng uhog sa mga daanan ng hangin, paglinis ng bara, at gawing mas madali ang paghinga. ...


Side Effect:

Maaring mangyari ang pagkahilo o sakit ng ulo, pantal, o pagduwal, pagsusuka, o pagkabalisa sa tiyan. Pwede ring maganap ang pagduduwal o pagsusuka. Sabihin kaagad sa iyong doktor o parmasyutikokung ang alinman sa mga epektong ito ay nanatili o lumala. Karamihan sa mga tao na gumagamit ng gamot na ito ay walang malubhang epekto. Isang napaka-seryosong alerdyi sa gamot na ito ay bihira. Gayunpaman, humingi ng agarang medikal na atensyon kung napansin mo ang anumang mga sintomas ng isang seryosong alerdyi, kabilang ang:pantal, pangangati / pamamaga (lalo na sa mukha / dila / lalamunan), matinding pagkahilo, problema sa paghinga. Hindi ito isang kumpletong listahan ng mga posibleng epekto. Makipag-ugnayan lang sa iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan kung napansin mo ang ibang mga epekto na hindi nakalista sa itaas. ...


Precaution:

Huwag durugin o nguyain ang phenylephrine HCl w/guaifenesin ng matagal ang tableta bago lunukin. Sabihin sa iyong doktor o parmasyutiko bago inumin ang gamot na ito kung ikaw ay alerdye dito o kung mayroon kang iba pang mga alerdyi. Maaaring maglaman ng mga hindi aktibong sangkap ang produktong ito na maaaring maging sanhi ng mga reaksiyo ng alerdyi o iba pang mga problema. Sabihin sa iyong doktor o parmasyutiko ang iyong dating sakit bago gamitin ang gamot na ito lalo na sa: mga problema sa paghinga (tulad ng empysema, malubhang brongkitis, hika, ubo dulot ngpaninigarilyo), ubo na may dugo o maraming uhog. Maaaring maglaman ng asukal at/o alkohol ang mga likidong laman ng produktong ito. Mahalagang paalala ang pag-iingat kung mayroon kang diabetes, sakit sa atay, o anumang iba pang kundisyon na nangangailangan sa iyo na limitahan o iwasan ang mga sangkap na ito sa iyong diyeta. Tanungin ang iyong doktor o parmasyutiko tungkol sa ligtas na paggamit ng produktong ito. Maaaring maglaman ng aspartame ang mga likido at pulbos sa pakete ng gamot na ito. Kung mayroon kang phenylketonuria (PKU) o anumang iba pang kundisyon na nangangailangan sa iyo na higpitan ang iyong paggamit ng aspartame (o phenylalanine), kumunsulta sa iyong doktor o parmasyutiko tungkol sa ligtas na paggamit ng produktong ito. Bago mag-opera, sabihin sa iyong doktor o dentista ang tungkol sa lahat ng mga produktong ginagamit mo (kabilang ang mga hindi niresetang gamot, mga gamot na nireseta, at mga produktong herbal). Hindi ipinapayo na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».